Chapter 13

184 5 0
                                    

Pagpasok sa loob ay nakita kong nakatulog na si Ayako sa couch. Agad kong nilabhan at pinatuyo sa drier ang yukata na bigay ni Sendoh. Pagkatapos ay naligo ako at dumiretso na sa kwarto para matulog.

Paglipas nang ilang oras ay nagising ako sa tunog ng doorbell. Dumungaw ako sa bintana, nandito na pala sila Kuya at Kogure. "Wait lang, Kuya! Pababa na!"

Pag-akyat nila ay pupungas-pungas na bumangon si Ayako.

"O, Sempai.. nandito na pala kayo. Anong oras na ba?"

"7:30 na. Napasarap yata ang tulog niyong dalawa ah. Magsibihis na kayo, nauna na ang iba sa night market." sabi ni Kogure.

Mabilis na naligo si Ayako habang ako naman ay bumalik sa kwarto para magbihis. Paglabas namin ni Ayako ay nakasunod ng tingin sakin si Kuya. "Haruko, parang ngayon ko lang yata nakita yang suot mo. Bago ba yan?"

Nagkatinginan kami ni Ayako. Nasabi ko kasi sakanya na bigay ito ni Sendoh.

"H-ha? H-hindi kuya.. matagal na 'to. Birthday gift 'to sakin nila Fujie at Matsui. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng pagkakataong isuot ito.." nauutal-utal kong pagsisinungaling kay Kuya.

"Haay naku, Sempai. Pati ba naman suot ni Haruko binabantayan mo? Mas istrikto ka pa kesa kila tito at tita!" pagsingit ni Ayako na kinindatan ako ng patago.

"Oo nga naman, Akagi. Sila tito't tita nga chill lang eh. Ikaw lang naman 'tong sobrang pinaghihigpitan si Haruko. Kaya ka napagkakamalang tatay niya eh. Hahaha!" ani Kogure kaya nagtawanan kaming lahat bukod kay Kuya.

"Kaya nga ko naghihigpit sa kapatid ko dahil masyadong maluwag ang parents namin. Kaya ikaw, Haruko wag na wag ka magpapaligaw nang di mo muna pinapakilala sakin. O baka naman regalo na ng manliligaw mo 'yang suot mo ha!"

"Hahaha! Grabe ka talaga, Sempai! Next year 18 na si Haruko, baka naman hindi mo pa din payagan magboyfriend?" tanong ni Ayako.

"Hmmm. Next year ko na pag-iisipan kung papayagan ko na siya."

"Hahaha! Saan mo ba kasi namana 'yang pagka-istrikto mo Akagi? Sobrang higpit mo na nga sa team, hanggang kay Haruko ba naman.Relax ka lang kasi, maaga kang tatanda niyan."

"Okay lang, mas mukha pa din namang matanda sakin sila Maki at Ouzumi." seryosong sagot ni Kuya.

Hagalpakan naman ng tawa sila Ayako at Kogure dahil straight face pa din si kuya kahit nagbibiro.

"Tara na nga sa festival. Baka hindi na natin maabutan yung fireworks display." sabi ni Kogure.

"May oras pa tayo, 9pm 'yun nagsisimula."

Napakunot na naman ang noo ni Kuya sa sinabi ko. "Pano mo naman nalaman ang schedule ng fireworks display, Haruko? Nakapunta ka na ba dun?"

"Ako ang nagsabi sakanya, Sempai. Tinanong ko yung tita ko na may-ari ng shop sa baba nung sinabi mo kanina na pupunta tayong lahat sa festival." pagtatakip sakin sakin ni Ayako na pasimpleng nag-eye roll sakin.

Nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang nakalusot naman kay Kuya ang alibi namin.

"Kuya, Kogure.. tara na! Baka kanina pa sila naghihintay satin." medyo natatarantang pagsingit ko sa usapan nila at nauna nang lumabas para hindi na humaba pa ang usapan.

My Only OneWhere stories live. Discover now