CHAPTER 46 ~ Off Limits ~

144K 2K 37
                                    

A/N: eto po muna ^_^ need to sleep na po.

CHAPTER 46

ALTHEA'S POV

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang napapatingin ako kay Craige na nakakunot ang noo habang tinitake ang order ng grupo ng mga lalaki na pabago-bago ang isip sa gustong i-order.

Mukang nawawalan na siya ng pasensya pero pinipigil niya lang magalit. Suot niya yung uniform ng The Camp at hindi lang ako ang napapatingin sa kaniya dahil kahit si Yale kanina ay napanganga kay Craige.

Bagay kasi..na parang hindi.

Lahat naman kasi bagay kapag si Craige ang nagsuot..kaso may something sa kaniya na hindi mo iisipin na isa lang siyang empleyado dito.

"Miss?"

Napapitlag ako ng biglang may nagsalita. Tinignan ko yung babae na kasalukuyang mukang naiinis na sa akin. Ngumiti ako ng pilit at inilista ko yung mga order niya. Eh sa nadidistract ako eh.

Nang matapos na siya umalis na ako at pumunta ako sa counter kung saan kasalukuyan na walang tao. Kaya dumiretso ako sa kusina kung saan nag a-ala the Flash si Yale sa pagluluto. Of course wala na naman siyang suot na pang-itaas.

"Muka ka na namang gigolo. O eto yung order nung babaeng excited don."-me

"Inaway mo?"

"Wala akong time, mas masarap titigan si Craige."

Inikot ni Yale ang mga mata niya at ipinagpatuloy niya na ang ginagawa niya. Busy din yung dalawa niya pang kasama dito sa kusina. Buti na lang yung dalawang lalaki yung nandito..wala yung mga babae. Sigurado kasing madidistract ang mga yon kapag nakita si Yale.

"Bakit ba kasi sabay-sabay silang umalis?"-me

"Hindi ko din alam. And anyway..hindi ko din naman kasi akalain na may dadating ng gantong kadami na tao eh ang aga pa."

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon