CHAPTER 32 ~ Uh Oh ~

144K 2.2K 79
                                    

CHAPTER 32

ALTHEA'S POV

Napangiwi ako habang kumakain ako ng apple. Sawang-sawa na ako sa apple. Nakaharap ako sa lap top ko kung saan kasalukuyang kausap ko si Sir Mateo.

"Bat naman kasi hindi ka nag-iingat? Sa susunod dito ka na lang kakain sa lob ng office. Pababaunan kita kay Cray. Look at what you've done..nandito na naman sila."

Napangiti ako sa itsura ni Mateo. Hindi na nakaayos ang neck tie niya at gulo-gulo na ang buhok niya. Inikot niya saglit yung tablet pc para makita ko sila Hade at Quin na salit-salitan kung tignan ang isa't-isa ng matalim na tingin.

Nang bumalik sa muka ni Sir Mateo yung focus nung tablet nakasimangot na siya ng todo.

"Not that they're not great..nagagawa naman nila yung trabaho nila. Kaya lang masakit sa ulo kapag magkasama sila."

"Ano naman kasi Sir ang ginagawa niyo diyan sa office nila?"-me

"Sumilip lang ako dahil may narinig akong nabasag kanina."

"Mag se-send ako sa mail mo ng maraming music. Makinig ka na lang ng rock ng hindi mo sila marinig.*laughs*"

Nag pout siya. Ang cute. Parang ang sarap kuritin ng magkabilang pisngi niya. Parang imbis na mag boss para na kaming magkabarkada.

Pero that doesnt mean hindi siya kanasa-nasa..face pa lang yummmy yummy na. Kaso tago na ang pangmamanyak ko sa kaniya ngayon. May naglalabas kasi ng evil aura sa tabi-tabi kapag pinagnanasaan ko si Sir Mateo.

Speaking of evil aura nagsisimula na siya ngayon.

Lumingon ako sa gawi ni Craige. May hawak siyang magazine na nakapatong sa hita niya habang walang kangiti-ngiting nakatingin sakin.

Nag flying kiss ako sa kaniya bago ako bumaling ulit kay Sir Mateo.

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Where stories live. Discover now