CHAPTER 6 ~ Planet Chumurereng ~

148K 2.4K 82
                                    

CHAPTER 6

ALTHEA'S POV

Idinilat ko yung isang mata ko ng tumama sakin yung sinag ng araw. Tumingin ako sa orasan sa bed side table ko at napainat ako ng makita kong tanghali na pala.

Actually 30 minutes na lang ala-una na ng hapon.

Bumangon ako habang hila-hila ko yung kumot ko. Kumunot yung noo ko ng may maapakan ako na kung ano..kasabay non may naramdaman akong humawak sa paa ko.

Napatili ako at nagpapasag lalo na ng may maramdaman akong humila sakin. Pumikit ako ng may dumagan sakin. Mukang may halimaw sa kwarto ko.

Why oh why?

HINDI! Hindi ako pwedeng sumama sa kaharian ng halimaw na nahalina sa beauty ko. Marami pa akong misyon sa buhay katulad ng kailangan ko pang pasbugin ang utak ni Boss, Sir, Among tunay sa galit sakin.

Nagmulat ako ng mata at handa na sana akong makipagpatayan sa halimaw ng sinalubong ako ng brownish na mga mata. Naglakbay ang mga mata ko sa katawan na nasa ibabaw ko.

Oooohlala!

"Amm..Boss, Sir, Among tunay..nagkakasala na ang mga mata ko. Pwedeng umalis ka na muna diyan bago ka marape-..I mean bago pa tayo makita ng kung sino man."

"No."

Itinaas ko yung kamay ko para maalis ko siya sa ibabaw ko pero hinawakan niya lang yung dalawang kamay ko at itinaas sa ibabaw ng ulo ko.

Nanglaki yung mga mata ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Trespassing yan Sir, Boss, Among tunay."-me

"A few hours ago. May tinulungan lang naman ako na isang babae na biglang hinimatay..only to find out ng makarating ako sa bahay niya na natutulog lang pala siya dahil she's happily snoring."

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Where stories live. Discover now