CHAPTER 9 ~ HD ~

167K 2.5K 83
                                    

CHAPTER 9

ALTHEA'S POV

Nakaupo ako sa swivel chair ng desk ko habang nakaikot yon paharap kay Craige. Hawak ko yung cellphone ko habang naglalaro ako ng tetris...siya naman

...

...

Ginagawa yung trabaho ko. Tinatamad kasi akong gumawa at saka nag-iisip ako...hindi nga lang halata. Kinakalawang na ata lahat ng pinag-aralan ko.

Pero kidding aside nag-iisip talaga ako...mas narerelax kasi ako kapag naglalaro ako habang nag-iisip ng tungkol sa mission. Unique kasi ang mga brain cells ko kaya unique din ang way kong mag-isip.

Napadiretso ako ng upo ng mapatingin sakin si Craige. Kumaway ako sa kaniya at ngumiti. Napailing na lang siya at ipinagpatuloy yung ginagawa niya.

"Galing mo talaga Boss, Sir, Among tunay. Kaya mo yan. Go Boss! Go Boss!"

"Quiet."

Nagpout ako at tumahimik. Sumandal ako sa upuan ko at umikot ako ng umikot. Makapagpalagay nga ng ganito sa villa ko sa The Camp...or rather..papalitan ko lahat ng upuan sa bahay ng swivel chair.

Napapahagikhik ako ng bumilis na yung ikot ko. Pakiramdam ko maduduling na ako sa kakaikot ko pero nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko.

Nagkamali ako ng apak at napatili ako ng muntik na akong sumubsob kung hindi lang may sumalo sakin. Napangiwi ako dahil sumadsad yung tuhod ko sa sahig. Siguradong mas malakas ang impact non kung hindi lang ako nasalo ng walang iba kung hindi ang bossing ko.

Nag-angat ako ng tingin at nag peace sign ako sa kaniya. Bumuntong-hininga siya at hihilahin na sana ako patayo ng bigla akong umunan sa hita niya.

Thea's Lazy Day ata ngayon. Tinatamad akong mag-effort na tumayo.

Pagkatapos kasi ng kissing scene namin ni Craige sa labas ng conference room bigla atang na drain lahat ng energy ko sa katawan. Yon ata ang powers ni Craige. Kung baga kung si E.T. tekinetic...si Craige naman nang de-drain ng energy.

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Where stories live. Discover now