CHAPTER 10 ~ Si Superman at Si Darna ~

155K 2.6K 139
                                    

CHAPTER 10

 

 

ALTHEA'S POV

Nag-iwas ako ng tingin kay Craige. Anong nakain nito at biglang lumandi? Wala sa sariling hiniwa ko yung steak sa plato ko at isinubo ko sa kaniya.

"Kumain ka na lang, Na walan na ata ng hangin yang precious brains mo."-me

"Sagutin mo muna yung tanong ko."

"Talong? anong talong? bat ko sasagutin ang talong mo?! ang bastos mo talaga!"

Napatingin ako sa paligid namin ng makita kong nakatingin na samin halos lahat nung mga kumakain. Namula yung muka ko at tinignan ko lang ng matalim si Craige na naaliw na nakatingin sakin.

Hindi siya nakangiti pero yung mga mata niya kumikinang sa humor.

Parang gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko..or rather siya na lang ang ibabaon ko sa lupa. Ano bang talong kasi yung sinasabi niya? o..'tanong' ba yon?

kinamot ko yung pisngi ko sa pagkayamot. Nawindang ako sa tanong niya kanina tapos nabubuliglig na naman ang buhol-buhol na nerves ko dahil sa talong-

O/////O

"Ang sabi ko 'tanong'..hindi...talong."-craige

Ayan! napasimangot ako at kulang na lang iuntog ko yung ulo ko sa pinakamalapit na tao na makikita ko maliban sa gwapong muka ni Craige...baka mabangasan ang kagwapuhan niya at wala ng manahin ang mga anak ko-

"SAVE ME FROM TEMPTATIOOOON!"

Pati ako napapitlag ng naisigaw ko pala yung favorite quote ko. Kinuha ko yung menu sa katabing lamesa kung saan may lalaki na kasalukuyang tumitingin don...itinakip ko yon sa muka ko.

nakakahiya.

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Where stories live. Discover now