Chapter 3

7 4 0
                                    

VAL's POV:

Maaga pa lang ay bumaba na ako para makapaghanda ng almusal. Nakasanayan ko na rin kasi na tuwing umaga ay ako talaga ang nagpeprepare ng almusal naming dalawa ni pumpkin

Nakasuot pa rin ako ng pantulog ng pumunta ako sa kusina pero n'ong mapadaan na ako sa sala, ay nakita kong nakaawang ang pintuan ng guestroom. Kaya dahan dahan ko rin itong sinara at pumanhik na sa kusina.

Habang nagtitimpla ako ng kape, para pampagising dahil medyo inaantok pa ako ay bigla na lang akong nahintakutan ng makarinig ako ng lagaslas ng tubig mula sa banyo ng kusina. May extra kasing banyo rito para sa mga bisita. Dahan dahan ko pang inilapit ang tainga ko sa pintuan ng banyo at nakikinig. Pero wala pang isang minuto ay biglang nagbukas ang pintuan at napasubsob ako sa taong nagbubukas ng pinto.

Akmang titili na sana si Cheska pero agad-agad kong tinakpan ang bibig niya. Oo nga pala, nandito nga pala si Cheska. Nawala sa isip ko ito.

"H'wag kang maingay at baka magising si Therlyn. Baka ano pang isipin n'on sa atin kapag nakita tayo sa ganitong sitwasyon. " Mariing bulong ko kay Cheska na nakatapis lang ng tuwalya.

"Ano ba kasing ginagawa mo d'yan sa pinto? Malay ko bang nand'yan ka? Nakakagulat kaya." Sabay ayos ni Cheska sa pagkatapi ng tuwalya niya. Napatalikod naman ako bigla.

"Sino ba kasi ang may sabi sayong dito ka maligo, eh may banyo naman sa guest room at alas singko pa lang ng umaga. " Nayayamot na wika ko sa kanya. Tinalikuran ko na siya para ipagpatuloy ang pagtitimpla ko ng kape.

Buong akala ko na pumasok na ito sa kwarto niya pero paglingon ko, nakita ko siyang kalmadong nakaupo sa isang silya malapit sa  pintuan ng kusina. 'Naku talaga ang babaeng ito.'

"Sira kasi ang gripo sa loob kaya dito na lang ako nakiligo. Total maaga pa naman kaya pumuslit ako dito sa kusina. Hindi ko naman alam na maaga ka palang nagigising. " Depensa nito sa sarili niya. Oo nga pala, nawala rin kasi sa isip ko na i-check ang gripo kagabi. Siguro, mam'ya ay i-check ko ulit ito.

"Pasensya ka na at nakaligtaan kong suriin ito kahapon. Mabuti pa at pumasok ka na sa loob para makapagbihis dahil maghahanda na ako ng aalmusalin natin." Pagtataboy ko kay Cheska. Ayoko pa namang maabutan kami ni Therlyn sa ganitong eksena. I mean, baka ano pa isipin n'on, saka nakatapi lang ng tuwalya si Cheska.

Mabuti naman at tumalima agad si Cheska.

Alas siyete y medya ang alis namin kasi sakto raw na nasa duty pa si Jill n'on. 'Maigi nang makaiwas.' Mga ala-una pa kasi ng tanghali ang uwi n'on. Mas maaga, mas mabuti dahil  mas mapapabilis kaming makabalik. Tsaka masyadong traffic. Ayokong mastranded kami sa traffic baka bagyuhin na 'tong bahay namin pagkarating namin ni Cheska.

Pasado alas sais pa lang ay ginising ko na si pumpkin para sabay-sabay na kami mag-almusal.

"Behave ka lang pumpkin ha. Iwas sa gulo tsaka ako na ang bahalang magligpit nang pinagkainan natin ngayon at umalis na kayo. Friday pa naman ngayon at baka maabutan pa kayo ng traffic sa daan. Mahirap na kung magpang-abot pa kayo ni Jill doon." Pagpapaala ni Therlyn sa akin. Gusto ko rin na makauwi agad kami. Hindi ko kasi alam kung anong mararamdaman ko kapag nagkita ulit kami ni Jill, eh sa huling kita namin ay hindi kami in good terms.

"Bilhan na lang kita ng pasalubong mam'ya. Mauna ka nang kumain ng lunch ha. H'wag mo na kaming antayin pa kasi panigurado maabutan kami ng hapon bago makarating dito. " Namimiss ko na agad ang pumpkin ko, sabay yakap ng mahigpit sa kanya.

"I will. Ingat kayo ha. I loveyou pumpkin. " Sabay halik sa akin sa labi. Nakita kong tumalikod si Cheska.

"I love you more pumpkin. Sige aalis na kami." Pagpapaalam ko sa kanya habang hinahatid kami sa labas. Inaantay pa niya kaming makasakay sa kotse  bago siya  pumasok sa loob ng bahay namin.

Unfold Desires [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora