Chapter 21

4 1 0
                                    

Malinaw pa sa liwanag ng buwan kung sino ang nangunguha ng mga nawawalang gamit ng mga kasama ko dito.

"Papaano napunta sa maleta ko ang mga iyan?"

Hysterical na tanong ni tisay nang nasaksihan ng lahat ng mga kasama na nasa maleta niya lahat ang mga nanawalang gamit.

"Ikaw naman pala ang totoong magnanakaw! "

"Kaya hindi agad ako naniwala na si Therlyn ang kumuha eh."

"Nararapat sayo tisay putulan ng daliri!"

Nanggagalaiting turan sa kanya ng mga kasamahan ko.

"Hindi ako ang kumuha n'yan! " Pilit na pagsisinungaling ni tisay kahit kitang kita na ang ebidensya.

"Eh ano 'yang nasa loob ng maleta mo?" Pagak na tawang tanong sa kanya ni Mimi.

"Dami mo pang kuda pero ikaw pala talaga ang tunay na magnanakaw dito!" Segundang wika ni Suzie.

Hindi na maitago sa pagmumukha ni tisay ang inis na nararamdaman at kaagad na humarap ito sa akin. Natatawa ko itong tinititigan, at naningkit ang mga mata ni tisay habang  lumalapit ito sa akin.

"Bakit hindi mo pa kasi aminin na ikaw ang nagset-up sa'kin!" Singhal nito habang papalapit na sa akin.

"Bakit ko naman aaminin ang kasalanang kahit kailan ay hindi ko ginawa?" Aniya ko sa kan'ya.

"Singungaling!"

Akmang sugurin na niya sana ang ako ng mabilis na humarang si Fallah at sa dibdib nito tumama ang hampas ni tisay.

"What do you think you're doing?"

Mariing tanong ni Fallah gamit ang baritonong boses nito kay tisay. Mabilis naman akong nagtago sa likuran nito.

Nahintakutan namang humingi ito ng paumanhin kay Fallah.

"I-i didn't mean to hit you, B-baba, "

Nauutal na paghingi nito ng paumanhin kay Fallah.

"You didn't mean? But you already did!"

Seryoso pa ring wika ni Fallah sa kanya pero sadyang matigas talaga ang pagmumukha ni tisay. Kahit nauutal ay pinipilit pa rin nito ang  magpaliwanag.

"T-that girl at your back..."

"And what about her?" Napataas ang tono ng boses ni Fallah kay tisay. Inilinga nito ang paningin sa aking mga kasamahan.

"Why are you all still here? Go upstairs and rest because you still have work tomorrow!"

Utos nito sa mga kasamahan ko na mabilis pa sa ipo-ipo kung magsipag-akyatan. Hindi pa nakapasok ang mga ito sa kanilang silid ng magsalita ulit ito.

" I want to make things clear. "

Pagsisimula nito na ikinatigil ng mga kasamahan ko.

Agad na ginagap nito ang aking mga kamay at pinagsalikop ito.

" I don't want to hear that you guys are fighting because we don't tolerate those stupid actions here..."

Tahimik na tahimik lahat ng mga kasamahan ko habang mataman na nakikinig kay Fallah.

Dahan-dahan akong hinila nito paharap sa mga kasamahan ko.

" And... from now on, anyone here who  holds any grudges towards her, you can directly talk to me!" Seryoso pa rin ang hitsura nito.

"Nobody is allowed to hit her, nor make stories about her. Just think of me before doing that!  Is that okay with you guys?"

"Yes, Baba." Halos sabay na sagot ng aking mga kasamahan maliban nalang kay tisay na nanatiling nakatikom ang bibig at mukhang hindi sang-ayon sa mga narinig.

"You may now go. "

Pagkatapos marinig ng mga kasamahan ko ang huling sinabi ni Fallah ay nagkaniya-kaniya na sila ng pasok sa mga silid-tulugan nila. Maluban nalang kay tisay na tila napako na sa kinatatayuan nito.

"Didn't you hear what I'm saying?" Untag ni Fallah dito.

"I can't believe what I heared..." Hindi maipinta ang hitsura nito habang nagpapaliwanag kay Fallah.

"Do you want me to repeat it again?" Hindi mapigilan ni Fallah ang matawa dito.

"No, Baba. It's just that, I really can't imagine what you're saying to us... "

Yumuko muna ito na parang maiiyak. Parang alam ko na ang binabalak nitong gawin. Ang lakas talaga ng loob nitong mag-inarte sa harapan ni Fallah. Hinayaan lang siya ni Fallah na magsalita.

"I am the victim here... But you're taking side on her?" Sinasabi ko na nga ba. Pumipikit pikit pa ito na animo inaapi ko siya.

"I am not taking side on her, but I heared everything about you. Before I came down here, I've just done watching the recording videos of what you guys doing here, " nakangiting wika ni Fallah kay tisay na biglang napatigil at napakurap sa narinig. Halatang wala na itong kawala. Kahit saang sulok siya dito magtago, lantad na ang baho niya.

Nabigla rin ako sa narinig pero expected ko na rin naman na may mga nakalagay na camera sa bawat sulok ng dormitory namin. Nawala lang ito sa isip ko kanina dahil sa pagsalubong agad ni tisay sa akin kanina.

'Ano ka ngayon, tisay?' Natatawang tiningnan ko ito na halatang hindi mapakali sa kinatatayuan.

"And I just want to let you know that starting tonight, I won't allow you to hurt, my fiancee. "

"W-wait! W-hat? S-she's your fiancée?" Nagkandautal na tanong ni tisay kay Fallah.

"Yes, you heared it right."  Nakangiting inakbayan ako ni Fallah. Inihilig ko naman ang aking ulo at sinuklian ng matamis na ngiti ito.

"How come you are his boyfriend?"

Akala ko sapat na ang sinabi ni Fallah dito pero masyado itong makulit at halatang hindi naniniwalang fiancée ako ng pamangkin ng employer namin.

"Do you have problem with it?"

"I--."

Hindi na siya pinatapos magsalita ni Fallah. Pinaakyat na siya nito para makapagpahinga na kaming lahat. Bago pumasok si Fallah sa sariling silid nito ay binilinan niya ang aking mga kasama na h'wag nang magtanong tungkol sa amin. Para sa privacy naming dalawa.

Unfold Desires [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora