Chapter 12:

5 4 5
                                    


VAL'S POV:

MAAGA palang ay gumayak na ako papunta sa bahay ng kambal para sunduin ang mga ito, habang nasa byahe ay kaagad ko namang tinawagan si Amber para ito na ang makipagkita kay Therlyn.

Nakaapat na tawag ako bago ko nakontak si Amber. Pero iritado ang bungad ng boses neto habang binabanggit ang pangalan ni Therlyn.

"Tigilan mo na ako sa kakaganyan mo, mars! At ang aga-aga'y nasisira mo agad ang vibes ko!"

Napakuno't ang noo ko sa sinabi neto.

"Hoy, Amber! Bakit mo inaaway ang pumpkin ko?"

Rinig ko pa ang malalim na pagbuntunghininga neto sa kabilang linya.  Imbes na sagutin ako neto ay pinagbubungangaan din ako.

"Ano ba kasi ang pinaggagawa mo kahapon at napaparanoid na tumawag sa akin ngayon?"

Dahan-dahan kung inilayo sa tainga ko ang aking cellphone dahil sa pagtatalak neto sa kabilang linya.

"H-ha? B-bakit naman?" Nagtatakang balik tanong ko rito, "A-ano bang sinabi niya sayo?"

"Hay naku! Saang lupalop ka ba nagpunta kahapon at maghapon kang wala sa inyo?!"

Inilayo ko ulit ang cellphone na hawak dahil sa tinis ng boses ni Amber na nagtatalak.

"Tapos idagdag pa ang maagang pag-alis mo ngayon kaya nagdadrama si, mars! Kanina ko pa nga sinasabi sa kanya na baka namalengke ka lang para sa handa sa birthday niya, pero ayaw akong pakinggan!"

Na-guilty ako sa ginawa ko pero kailangan kong gawin iyon para sa inihandang  surprisa ko sa kanya.

"Hoy, Val!" Singhal ni Amber sa kabilang linya.

"Grabe ka naman makasigaw. Nakakarindi kaya pakinggan." Reklamo ko sa kanya.

Bigla namang huminahon ang boses neto sa kabilang linya, "Eh kasi, kanina pa ako nagtatalak dito at hindi ka na umiimik."

"Nakakuha kasi ako ng idea sayo kahapon." Natatawang sagot ko sa kanya.

"P'wede ko bang malaman ang pinaplano mo?"

Kinuwento ko naman sa kanya ang naisip ko, "ngayon alam mo na ha kung bakit wala ako sa bahay namin kahapon at kung bakit maaga akong umalis ngayon."

"Alam ko namang hindi mo lolokohin ang bestfriend ko, eh. O'sya, plan B nalang ang gagawin ko. Makipagkita ako sa kanya para ayain siyang gumala, " mabilis na pagpapaliwanag neto, " pero h'wag kayong magtatagal ha. Dapat exact 11am nandoon na kayo sa venue."

"No worries. Sige mamaya nalang. "

Pagpaalam ko kay Amber. Mga ilang dipa nalang ang layo ko papunta sa bahay ng kambal ng naaninag ko na ang nakangiting hitsura ni Nix na kumakaway sa akin.

Pagkatapos kong ma-i-park ang aking sasakyan ay agad kong ibinaba ang bintana, "Nasa'n si par Donie at par Drei?"

"Palabas na, par. "

Maingat netong binuksan ang compartment para ilagay ang mga gamit bago sumakay. Natutuwa ako at hindi ko na sila kailangan pang puntahan sa mismong bahay nila.

Unfold Desires [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora