Chapter 7:

5 2 0
                                    

THERLYN'S POV:

Mahigit isang linggo na rin ang nakalipas nang mangyari ang eksenang iyon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na natagalan ang tampong nararamdaman ko sa kanya. Ang dami na rin namin pinagdaanan at napatunayan ko naman na, she's faithful to me. Iyong nangyari last week lang talaga ako nainis ng sobra. And I know how much Val try her best para maging okay ulit kami at naappreciate ko rin naman ang mga efforts niya. At dahil namiss ko na rin siya kaya hindi ko na papahirapan parehas ang mga sarili namin.

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng almusal nang basagin ko ang hinarang kong pagitan sa'ming dalawa.

"Pumpkin, p'wede mo ba akong samahan pumunta sa Department of Foreign Affairs ngayon?" Aniya ko habang pinagmasdan siyang nagulat na nakatingin sa akin.

Nakatulala ito na halos hindi makapaniwalang kinausap siya ng isang dyosa. Nakakatawa pa ang naging reaksyon nitong nakaawang lang ang mga labi.

"Pero kung hindi ka available ngayon ay magcommute nalang ako. " Bawi ko agad sa sinabi ko sa kanya kanina na ikinabalik agad ng wisyo nito.

"Free ako basta ikaw, pumpkin. Anong oras ba?" Mabilis na sagot nito.

"Mamyang 1pm ang schedule na makukuha na ang passport natin, so, 11:30am palang ay dapat nandoon na tayo." Kalmadong sagot ko naman sa tanong niya.

"Buti pinaalala mo saakin iyan dahil muntikan ko nang makalimutan." Kamot niya sa likod ng tainga niya.

"Naka-alarm na sa cellphone ko ang mga lakad natin. " Matipid kung ngiti sa kanya na ikinatango-tango ng ulo niya.

Nagpakawala ito ng malalim na buntunghininga bago magsalita, "Bati na ba tayo?"

Nginitian ko ito sabay ang pagtango na ikinaliwanag ng pagmumukha nito.

"Thankyou, pumpkin!"

Tumayo agad ito sa kinauupuan at masiglang lumapit sa akin para yakapin ako.

"Promise, it won't happen again." Mahigpit na yakap nito sa akin. "I am really sorry."

"I'm sorry, too. " Binaon ko ang mukha ko sa balikat niya. Biglang gumaan ang pakiramdam ko.

*****
We're heading to V-mall South, doon kasi ang pinakamalapit na mall para sa kuhanan ng mga passport at sa bandang 3rd floor nakapwesto ito.

Ibinaba ako ni Val malapit sa may elevator habang naghahanap ito ng bakanteng space para ipark ang sasakyan. While waiting, nilibang ko muna ang sarili habang inilibot ko  ang aking paningin sa kabuuan ng basement ng mall. Punuan ang space dahil friday ngayon at nataon na a-kinse ng buwan.

Then out of nowhere, I saw a familiar figure coming towards me. Well, no, it's not actually me, but the elevator behind me. I immediately hid myself in a nearby car. I just don't want her to notice me and we're not close to socialize each other.

Hindi na ako nasurprisa nang makita ko itong may kasama, ngunit ang labis na ikinapagtaka ko ay hindi siya, hindi ko mamukhaan kung sino ang kasama nito ngayon. What happen to them? Isang linggo pa lang naman ang nakalipas pero iba na agad ang kasama niya. Wow!

Kung pagmasdan ang mga ito ay masasabi mo talagang may namamagitan sa kanilang dalawa, hindi rin kasi maipagkakaila sa mga kilos at tinginan ng mga ito. Lalo na't todo ang kapit nito sa braso ng kasama niya, animo'y  tuko ito sa sobrang higpit kung kumapit.

Nang mapagtanto ko na nakapasok na ang mga ito sa elevator ay saka pa ako lumabas sa pinagkublihan ko, eksakto naman ang pagdating ni Val.

"Pasensya na pumpkin kung medyo natagalan, loaded kasi ang area, umikot pa ako doon sa likod bago ako nakahanap ng bakante." Hinging paumanhin nito na alam ko namang nagsasabi ito ng totoo dahil sa tagaktak na butil ng pawis sa mukha nito.

Mabilis ko namang dinukot sa bag ko ang face towel na laging dala-dala ko kapag may importanteng lakad kami. "No worries. Ang mahalaga nakapagpark ka. " Pinunasan ko agad ang pawis nito habang inaantay namin ang pagbukas ng elevator.

*****

"Thanks for the ride." Sabay na wika namin ni Val sa elevator attendant ng makarating na kami sa third floor.

"Pumpkin, mauna ka na muna sa pila, ha. Need ko kasi magpunta ng comfort room. "

Muntikan ko nang makalimutan na naiihi pala ako. Baka matagalan kami sa pila at ayokong hindi mapakali sa pila dahil maghahagilap pa ako kung saan ang comfort room mamaya.

"Antayin nalang kita sa labas para sabay tayo. "

"H'wag na, saglet lang ako. Pramis!" Taas kamay ko pa sa kanya na ikinailing lang nito.

"Tabihan mo nalang ako ng mauupuan ha."  Sabay bitaw ko sa pagka-hawak ko sa kamay niya.

Hindi ko na ito inaantay na makasagot pa at nagmamadali na akong pumasok sa comfort room. Mabuti nalang at hindi blockbuster dito at maraming bakanteng cubicle. 

'Sa wakas nakapagbawas rin ng sama ng loob.' This is what I really hate when going out somewhere. Lagi na lang kasi akong naiihi kahit na saglet lang naman kami maggala.

Pagkatapos, agad akong lumapit sa powder area para maghugas at magretouch na rin. Nagtext na rin ako kay Val na malapit na akong matapos, which is totoo naman dahil magliligpit na ako at papalabas na.

Ngunit, nang lumiko na ako para puntahan na si Val ay may namataan akong isang pares na kilalang-kilala ko. Nakapwesto sila sa isang tabi, mahahalata sa mga hitsura neto na may seryoso silang pinagtatalunan, base na lang sa mga ekspresyon ng mga mukha nila.

Hindi ko na lang ito binigyan pa ng malalim na kahulugan. Siguro, nagkabalikan na sila dahil iba na rin naman ang kasama nung isa. Kaya dumiretso na kaagad ako papunta kay pumpkin.

Habang naglalakad ako papalapit kay Val ay hindi ko maiwasang mag-isip na muntikan ng masira ung relasyon namin dahil sa epal na Cheska na iyon tapos ang ending ay babalik rin pala siya sa piling ni Jill. Mabuti nalang talaga at nagkaayos na kami ni Val. At hindi na ako muling makapapayag pa na guluhin ulit kami ni Cheska. Hinding-hindi talaga ako magdadalawang isip na kalabanin siya. Masyadong sariwa pa naman sa akin ang ginawa niya sa amin ni Val last week. At ayokong mangyari ulit iyon.

Unfold Desires [Completed]Where stories live. Discover now