Chapter 13:

5 4 0
                                    

THERLYN'S POV:

"BAKIT ang tagal mong nagbukas? Nangangawit na ako dito sa labas!" Exxagerated na bulalas ni Amber nang pagbuksan ko ito ng pintuan.

Tinaasan ko lang ito ng kilay bago ko binuksan ng maluwang ang pinto, " nagsabwatan ba kayo ni Val na hindi sagutin ang mga tawag ko?"

Bilang tugon sa akusasyon ko sa kanya ay mahinang hinampas lang nito ang aking braso.

"At bakit ko naman gagawin 'yon? 'tsaka, kailan mo pa ako pinag-iisipan ng masama?"

'Bakit nga ba?' Hindi ko rin alam kung bakit lumabas nalang sa bibig ko ang mga katagang iyon, pero hindi talaga ito ang naiisip ko kanina. Nainis lang talaga ako kay Val.

Nakonsensya agad ako nang makita ko itong
napalabi na humarap sa akin. "Eh kasi naman,  pareho ko kayong hindi mahagilap kahapon."

Napairap kung wika sa kanya, "nakakatampo kaya."

"Sorry naman  kung hindi ko nasagot ang mga tawag mo kahapon. Ang totoo nagkita kasi kami ni Donnie..."

Alanganin pa itong ngumiti sa akin. Hindi ko matukoy kung kinikilig ba ito, o nahihiya.

"Sino  ang nag-alok sa inyong makipagkita?"

"Malamang, siya! Alangan namang ako ang mauna?" Eksaderang pinandidilatan ako nito ng mata na agad ko namang tinawanan.

"Easy ka lang, mars, 'di ka naman mabiro."

"Alam mo mars, parang nagdududa ako kung friend ba talaga ang turing mo sa akin. " May himig pagtatampo na ang boses nito, " dalagang pilipina kaya ako mars!"

Hindi ko mapigilan ang mapahagalpak nang tawa sa hitsura niya.

"Ang defensive mo naman, mars. " Aniya ko.

"Eh kasi nakakatampo ka. Ikaw na nga itong pinagmamalasakitan na puntahan tapos kung ano-ano pa ang iniisip tungkol sa akin."

"Oo na! Saan mo ba gusto gumala ngayon? Total birthday ko naman ngayon, my treat!"
Nakangiting akbay ko sa kan'ya.

"Talaga lang ha!" Paniniguradong tiningnan ako nito.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Hindi. Tara na doon sa binibida mong restaurant sa'kin."

Naaalala ko na may usapan pala kami ni Val na  aanyayahan namin si Amber at mga tropa niya na doon kumain. Kaso, hindi ko ito mahagilap.

"Sige! Magbibihis lang ako, mars."

Mabilis akong itinaboy nito sa kanyang harapan pero nasa kalagitnaan pa ako ng hagdaan nang lingunin ko ulit ito.

"Mars, bakit kaya hindi mo tawagan  sina Donnie at ang kambal, pakisabi na iniimbitahan ko sila, at d'on na tayo magkita-kita." Nanunudyong utos ko sa kan'ya na agad naman niyang sinunod. Napailing na lang ako habang umaakyat papunta sa kwarto.

HABANG nasa byahe ay daldal nang daldal si Amber about sa pagkikita nila kahapon. Kilig na kilig ang gaga. Sabagay, noong nakaraan pa niya ako kinukulit na ireto ko silang dalawa. Naging abala lang ako mag-asikaso ng mga dokumento at hindi ko naisingit sa schedule ko, ngunit, hindi na ito nakapag-antay at nalaman ko nalang na nagkita na pala sila.

"Nasaan na kayo? " Masiglang tanong ni Amber sa kausap sa cellphone. Mataman naman itong nakikinig sa kausap habang mamaya't maya itong sumusulyap sa akin.

Hindi rin nakaligtas sa akin ang tila excitement na makikita sa mga mata nito habang kinakausap si Donnie sa kabilang linya.

"Malapit na kami. Kitakits, later! Bye!"

Unfold Desires [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon