UNTOLD BEAUTY2; INVITATION

358 21 1
                                    

(FunFact#2; Do you know that there's 132 rooms in the US White House?)

My birthday has come.

Nakauwi narin si tatay kaya siguradong mas masaya ako.

Ang pinakahihintay na araw ni tatay at ang pinakahihintay ko.

Masaya akong gumising, naligo at bumaba.

At pagbaba ko.

"Aww, ang ganda naman po nito Tay!" Masayang sabi ko at nilibot ang tingin sa buong bahay.

Napakaganda ng mga dekorasyong nakasabit.

Napangiwi si tatay at niyakap ako.

"Alam namin na paborito mo ang mga halaman anak yata ginawa kong herbal garden tong loob ng bahay natin."

Ang boung bahay ay napakapalibot ng berdeng halaman.

Alam naman ni tatay na wala akong idea sa mga bulaklak at mas gusto ko ng puro dahon lang.

Kaya napakagandang regalo nito para sakin.

May nakalagay sa gilid ng sahig, nakasabit sa dingdong at mga halamang nakadikit rin sa ceiling.

"Salamat po Tay."

Lumapit ako kay tatay at niyakap ko sya.

Ang papa ko talaga ang Isa sa mga the best na mga ama.

"Wala toh anak, bumabawi lang si tatay sa mga araw na wala ako rito sa piling mo. Happy birthday anak ko."

Ngumiti ako ng matamis at naramdaman kong hinalikan rin ako ni tatay sa tuktok ng ulo ko.

"Hindi mo naman kailangang bumawi Tay! Basta umuwi kayo ng maayos at walang masamang nangyari sainyo! Ayos lang ako dun! Basta makasama kita!"

Nagtawanan kami ni tatay hanggang sa nakarinig kami ng kantahan sa labas ng bahay namin.

"Ano yun Tay?"

Umiling si tatay bilang hindi nya rin alam ang sagot.

Sumilip si tatay sa bintana at pinapunta ako sa tabi nya.

"Ano po-?"

"Happy 18 to you!! Happy 18 to you!!"

Nakakaiyak naman!

Umagang-umaga sinusopresa na nila ako!

Binuksan ni tatay ang pinto at sabay kaming lumabas.

Nakita namin doon ang aming mga kapit bahay na masayang kinakantahan ako.

"Happy 18 to you Letisha!"

Nagsitakbuhan sakin ang mga bata at binigyan ko ng yakap at halik sa pisngi.

"Happy 18 to you Ate!!"

Nagpasalamat ako sa munting mga bata at nilapitan ko sina uncle Doni at ang iba pa na nakangiting pinagmasdan ako.

"Payakap nga!"

Natawa ako at dinambahan sila Isa Isa ng yakap.

"Aww, dalaga na ang pinaka maganda at pinakamabait na bata rito sa atin." 

" Huhuhu. Naiiyak ako!"

" Kay gandang bata ere,"

" Ang bilis nyang lumaki!"

Napailing na lang ako sakanila.

Kahit kailan talaga ang drama nila.

Lumapit ako kay papa at nilagay nya ang braso nya sa sakin.

Fantasia High; The Past 4 Untold Beauty (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon