UNTOLD BEAUTY3; FANTASIA HIGH

330 20 0
                                    

(FunFact#3; Did you know Einsteins slept only 10 hours a night?)

It was the happiest day of my life.

Napalingon ako sa pinto ng narinig kong may kumatok.

"Anak?"

Si tatay.

"Pasok po kayo Tay." Sabi ko at pinasok ko sa bag ang damit ko.

Ngumiti si tatay, at nadako ang tingin ko sa bag na dala nya. Ang laki naman nyan.

"Naayos mo na ba ang mga dadalhin mo?" Tumango ako at nituro ko ang dala nya.

"Ano po yan Tay?"

Natawa ng bahagya si tatay at lumapit sakin.

Umupo sya sa sahig sa gilid ng kama ko.

"Pagkain anak. Baka mamimiss mo ang mga luto ni tatay. Tsaka ito."

Nagkalabas si tatay ng-

Woah!!

"Ang ganda ng bow and arrow na yan Tay!"

Ang bow ay may kalakihan sa normal na bow pero ang ganda kasi, kulay ginto ito at may naka crave na mga vanes.

"Woah!"

Parang di ako makapaniwala sa ganda nito pag hahawakan ko.

"Mabigat ba anak?"

Umiling ako kay tatay. Hinawakan ko ito ng isang kamay.

"Tignan mo Tay! Kaya ko ngang isang kamay lang eh! Ang gaan para sa laki nito!"

Tumango naman si tatay at sunod na binigay nya sakin ay ang mga palaso.

Ang ganda rin ng mga palaso.

Napakatulis nito.

"Tatay, mukhang ang mahal nito ah!

Binaba ko ang bow at ang pana naman ang sinuri ko.

It was also gold at may vane ding mga design. Napakanipis at ang dulo pa, napaka ganda rin.

"Metal blade ba ito Tay?"

Napailing nalang si tatay parang di nya alam ang sagot.

"Naku anak wala akong alam sa mga metal. Pero mukhang mahal nga!"

" Eh, Tay? Hindi mo ba toh binili? Binigay lang sa inyo?"

Tumango naman si tatay.

" Oo anak, may kwento kasi sa likod ng panang yan. Binigay yan sakin ni tatay ko, ang Lolo mo. Sabi nya, pag may nakapasok ng Fantasia high sa pamilya natin ay karapat dapat sakanya ang bow at arrow natoh."

" Sakin na po ito Tay?"

Tumango si tatay at kinuha nya ang bow and arrow mula sakin.

Nilagay nya ulit yun sa bag.

" Dadalhin mo yan sa Fantasia High anak. Ikaw ang nag mamay ari nyan. Kaya sayo lang yan."

Tumango naman ako.

" Tapos na po akong mag ayos Tay."

Lumabas muna si tatay at naghanda ang masasakyan namin para makalabas ako ng elf kingdom.

Ihahatid lang nya ako sa barrier tapos ako na ang mag isang pupunta sa station.

May binigay naman sakin na kamunting regalo ang Reyna Esme.

Fantasia High; The Past 4 Untold Beauty (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon