UNTOLD BEAUTY6; MYSTERIOUS

282 17 1
                                    

(FunFact#6; Humming birds are the only birds that can fly backwards.)

Napapikit ako.

Relax ka lang Letisha, relax.

Inhale, exhale.

"Letisha ayos ka lang?"

Napamulat ako at napalabi.

"T-takot ako sa matataas Celion." Sabi ko sakanya.

Nakita ko ang pagaalala sa mata nya at lumapit agad sya sakin.

Nalulula ako sa taas kung saan kami nakatayo ngayon.

Napahawak ako sa damit nya.

Doon ako kumapit.

"Le-Letisha?"

Binukas ko ang bibig ko at kumuha ng hangin.

"Celion bakit?"

Narinig kong sabi ni Forbes.

"Natatakot raw si Letisha sa matataas Forbes at te- Letisha!"

Napalean na ako kay Celion.

Hindi ko na kaya.

"Sige. Baba kayo Celion! Babalik ako!!" Sigaw yun ni Forbes at ilang sandali ay nakita ko na ang sarili ko na buhat-buhat ni Celion.

Nahihilo ako.

"Ma-may masakit ba sayo Letisha?"

Sasabihin ko ba sakanya?

"Letisha? Ayos ka lang?"

Nag aalala talaga sya.

Lumunok ako at dahan-dahang nag salita.

Ramdam ko ang bilis na tibok mg puso ko.

Natatakot kasi ako sa taas. Akala ko kaya ko. Hindi pala.

Tinitiis ko lang kasi.

"M-may sakit ako sa puso Celion." Sambit ko sakanya.

Kahit na mahina ang pagkakasabi ko nun sakanya ay sigurado akong narinig nya yun.

"Ano?"

Mukhang hindi nya yata narinig.

"May sakit ako sa puso."

Pag uulit ko sakanya.

"Okay. Sige ibababa kita."

Sandali lang ay binaba na ako ni Celion.

Napahawak ako sa laser at doon kumuha ng lakas.

"Sige. Kunin mo lahat ng hangin na gusto mo."

Tumango ako at ginawa ko nga yun.

" Everyone!! Let the introduction begin!! "

"Ikaw ba si Celion? Letisha?"

Napamulat ako at tinignan kung sino ang tumawag sa amin.

" A-ah kami po yun. Ako po si Celion, at ito naman si Letisha. Sya po yung ma-"

Isa syang nurse. Healer.

" Okay ka lang ba Letisha? Tumingala ka. May dala ka bang inhaler? "

Tumango ako at kinuha ko ito sa bulsa ng dress ko.

" Sige. Humigop ka ng lakas dyan, hihilutin ko ang ulo mo okay? "

I nod and response.

Ginamit ko ang inhaler ko at doon kumuha ng hangin.

Ramdam ko ang malamig na hangin na kumukonekta sa ulo ko.

Fantasia High; The Past 4 Untold Beauty (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon