Rhythm 9= Your number

72 5 0
                                    

Happy graduation to all graduates out there! Hoho you will face the new world of learning ^_^

Everyone says that college is the time of your life, but for me I think it's the most stressed I've ever been. But if you love your chosen career you will realized that it's worth studying for. :)

Wieeee, napahaba na! Jusme wag kayo magalit saken. De juk onle! Geh eto na.

~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,~,

[Carleigh Gianne's PoV]

Uwian na namin pero sa halip na umuwi kame nila Kheira at Samantha pupunta kame sa bahay ng parents namin. May sasabihin daw silang importanteng mahalaga.

Redundant ba? Eh kapag mag papameeting kasi parents namin for sure na Very important talaga yun. Minsan nga naalala ko nuon nagpa meeting sila dahil sa ginawa naming kalokohang tatlo dahil tinakas namin yung isang sasakyan nila at nagjoyride. 

Mga 3 years ago na ata yun? Tapos nasiraan yung kotse na tinakas namin kaya sobrang gabi na kame nakauwe nun.

Pag apak pa lang namin sa pintuan sobra ng sigawan ang sumalubong samin, sabi nila papa muntik na daw silang tumawag sa Sandatahang lakas ng Pilipinas katulad ng Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Air Force nung time na yun. Ang Oa nga nila eh kaya yun Isang buwan kameng pinatapon sa probinsya.

Hay nako, Jusko! kung ikaw ang andon promise di ka tatagal ng isang linggo. Buti nga buhay pa kaming nakabalik dito sa Manila.

No internet connections mga ibon at kalabaw lang makikita mo animalandia dun, No cellphone or gadgets wala tunganga ka lang talaga, No bar hoppings at shoppings puro bukid kasi, tapos wala pang kuryente! Jusmiyo aragon. 

Seriously simula nun tumino na talaga kaming tatlo, As in never na kaming kumuha ng mga kotse nila.

On the way na din kame dun sa mansion ng parents namin, Magkakasama kasi sila sa iisang bubong di ba nga triplets mga Mommies na min, magkaka ugnay ata yung mga bituka, balun balunan at atay nila kaya ayaw maghiwa hiwalay kahit may mga asawa na.

"Pretty ses, did you find na yung book na hinahanap mo in the library?" -Si kheira gusto niya daw itry na maging conyo eh. 

"Ah yup!" - exagerating the letter "P" 

"Oh? balita ko may meeting daw yung mga officers ah, buti nakita mo agad?" -Sam

*F L A S H B A C K*

Patuloy pa din akong kumakain, Andami kaya itong inorder na Chant, siya naman busog na daw kaya nilalabas niya yung mga librong hiniram niya daw sa library kaninang meron pa yung librarian.

*chomp chomp* Ang sarap talaga ng French fries ng jollibee! Hihihi

Tiningnan ko si unggoy na nagbabasa sa harap ko at napatingin ako sa librong binabasa niya......

"CHAAAAAAAAAAAAAANTTTTTTTTTT!"


napabalikwas siya sa inuupuan niya. Halatang nagulat sa sigaw ko.

"Ano ba? bakit ka sumisigaw diyan?"

"Kanina pa tayo naghahanap sa library tapos. tapos. tapos! Ahhhhhh!"

"Tapos?"

"Nasa iyo naman pala yang librong yan! Waaaah! Pinagod mo pa ako maghanap hanap walangya ka!"

"huh? eto ba?" -sabay pakita nung librong hawak niya.

"Hindi Chant! HIndi siguro. Eto sigurong Fried Chicken. Juice colored!"

"Haha gusto lang naman kasi kitang makitang naaasar eh." 

"Oh really? So ngayon nakita mo na masaya ka na ngayon? Binaba ko pa yung pride ko para magpatulong sayo, tapos inaasar mo lang pala ako all this time?"

"Sorry naman ang cute mo kasi pag namumula na sa galit eh."


Eh? natahimik naman ako dun. Enebe! 

"So you want this?"

"Malamang Chant paghihirapan ko bang hanapin yan kung hindi. Common sense please!"

"Okay fine, number mo?"

"Huh?"

"Cellphone number mo, itetext ko sayo kung kelan mo pwedeng kuhanin. Last book na din etong nakuha ko sabi ng librarian marami daw humiram eh. Pero bahala ka kung ayaw mo. Take it or leave it."- aba may balak atang hindi maganda to ah subukan niya lang at mapektusan ko to sa lungs.

Psh! wala naman akong magagawa. Dumukot na lang ako ng calling card ko sa bag ko at binigay ko sa kanya.

* END of FLASHBACK*

"Whahahaha like seriously pretty ses, napa amo ka niya? Hahaha ang taas kaya ng pride mo abot hanggang Mount Olympus."- Tuwang tuwang saad ni Kheira as if naman na naghimala ako.

She's The Rhythm Of LoveWhere stories live. Discover now