Rhythm 12 = Beating of my heart

62 5 0
                                    

[Carleigh Gianne's PoV]

Ano ba itong nararamdaman ko kay Chant? Diba dapat si Trick ang tinitingnan ko?

Crush ko si Trick pero bakit parang ang daming dalang magnet ni Chant at sa kanya ko napupunta ang lahat ng atensyon ko.

Kahit ang ingay ng paligid dahil sa kanta at sigawan at tilian ng mga nanunuod dito sa loob ng bar pakiramdam ko kaming dalawa lang ni Chant ang nag-eexist sa mundo.

Habang kumakanta kasi siya sa stage, saken lang siya nakatingin or should I say titig na parang tumatagos hanggang kaluluwa ko yung tingin niyang yun.

Napasadahan ko yung buong mukha niya.

Ngayon ko lang napansin. Ang gwapo pala netong mokong na to. Kaya pala ang daming babaeng umaaligid sa kanya. Kaya pala ang lakas kung mang asar neto may ipagmamayabang naman pala.

Ang tangos ng ilong niya, ang ganda rin ng boses niya na parang nanghehele.

Mejo wet look na rin ang lagay niya dahil sa pawis na nanggagaling sa ulo pababa sa kanyang leeg imbis na madugyutan ako sa kanya bakit mas parang mas lalong naging hot ito sa paningin ko.

Ohlala~ sana makita ko yung abs niya. Kyaaah!

Te-teka? Pinagnanasaan ko na ba yang unggoy na yan? Aish napailing na lang ako sa kapilyahang naiisip ko.

Hindi ko namalayan na tapos na pala iyong kanta nila at ibang grupo na ang kumakanta.

Seriously?? Ganun ako katagal nag daydream sa kanya. Oh jusko! Wala pa nga siya sa kalingkingan ng prince charming ko eh.

"Girls how was our performance? Ang galing namin no? Haha yan ang Hunk Tempo." Sabi ni Shin. Andito na pala sila sa table.

Katabi niya si Sam at Kheira. Ako naman pinagitnaan ni Chant at Trick.

So anong peg ko? Torn between two handsome.

"Kyaaah! You're so galing naman pala. And kayo pala yung sinasabi nilang Hunk Tempo. Megewd. Hindi man lang namin alam." Malanding tugon ni kheira kay Shin.

Eto namang si Chant busy sa cellphone.
Ingudngod ko sila ng katext niya eh psh!

Naramdaman ko na lang na parang nag-vibrate yung cp ko sa bulsa.

Tiningnana ko iyon baka sila mommy pala.pero iba ang nakita kong text. Galing pala dun sa unregistered number na nagtetext saken kanina.

-----------------------
Fr: 09261234567

Follow me!
-----------------------

Luh! Follow me daw. Naramdman ko na lang na tumayo si Chant at naglakad palayo? Omo! Siya kaya yun.

At dahil sa dakila akong chismosa napasunod na lang ako sa kanya. Malakas kasi kutob ko na siya yun eh.

"Where are you going?" Narinig kong tanong ni Trick

"Washroom. Hihi" tapos ngumiti ng pagkatamis tamis sa kanya at naglakad na.

Wait? Ang layo naman na ni Chant.. Papunta ata dun sa second floor yun ah.

Sinundan ko pa din siya hanggang sa makarating sa pinakadulo ng second floor at may binuksan siyang pintuan pa labas?

Wowwww! Ameyzing. *O*

May secret passage way pala dun.

Nang makarating ako dun. Parang dead end na siya pero may hagdan nanaman papunta sa itaas. Ah! May rooftop pala dito.

Natanaw ko si Chant na prenteng naka-upo doon malapit sa railings. Hindi naman na masyadong malakas ang tunog dito.

Hindi na rin rinig yung mga taong nagiinuman at nagchichismisan.

Actually napaka peaceful nga eh tsaka tanaw mo dito ang ganda ng siyudad na puro ilaw lang.

Buti maliwanag ang buwan ngayon. Ang sarap sa pakiramdam dito nakakawala ng pagod.

Lalapit na sana ako sa kanya pero may tumatawag sa cellphone ko. Pagtingin ko dito si chant pala.

So anong trip neto sa buhay?

Tiningnan ko siya kung saan siya nakaupo at nahuli kong saken pala siya nakatingin.

Gosh! Bigla tuloy akong naconscious sa sarili ko ngayon.

Pinindot ko ang answer key. Ano kayang brand ng katol ang tinira niya at kailangan pa niyang itawag. Tinapat ko sa tenga ko ang cellhone ko at nagwika.

"Ba-bakit??" Nautal ko pang sagot.
Seriously carleigh? Kailangan mong mag-stummer sa harap niya? I mentally slap my mind.

Nasilayan ko na lang na ngumiti siya ng pilyo na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Bakit ko ba nararamdaman to sa tuwing siya ang kinakausap ko.? Magpa check up na kaya ako sa doctor kasi abnormal na ang beating ng heart ko.

Hindi na normal ito.

Hindi naman siya nagsasalita kaya lumapit na ako at umupo sa tabi niya.

"Anong trip mo at pinapunta mo pa ako dito? Tsaka ikaw pala yung makulit na nagtetext saken."

Imbes na sagutin niya yung tanong ko.

"Hindi ka man lang nagreply. Mas gusto mo pang katawag si Trick." Umiwas ito ng tingin na animoy nagsusumbong sa nanay niya kasi inagawan siya ng laruan.

Pero pano niya kaya nalaman na si trick yung katawag ko kanina?

Mga ilang minuto pa ding wala siyang imik kaya tatayo na sana ako baka kasi hinahanap na ako nila kheira eh pero

Hinatak niya ang kamay ko at ganun na lamg ang pagka gulat ko noong inakap niya ako.

*Lub dub lub dub*

I can feel his irregular beating of his heart. Siguro pati saken ramdam niya din.

Ganito ba naman kasi kame ka-close at maski nga langgam mahihiya ng dumaan sa pagitan namin eh.

It feels like home ang sarap ng yakap niya na hindi ko naramdaman kay Trick kanina lang.

"Carly please....please...please come back to me."

Mahina niyang bulong na animoy may malaki siyang problema na pinapasan.

Huh? Come back to him daw? Naramdaman ko na lang na mejo basa na yung balikat ko. Tumingin ako sa taas pero hindi naman umuulan. Weird?

Tiningnan ko naman itong kasama ko pero mas lalo lang niyang hindi pinakita saken ang mukha niya. At hinigpitan pa lalo ang pagkaka-akap saken.

Na animoy bata na nangungulila sa yakap ng isang ina. Kaya wala na akong nagawa kundi tugunan ang yakap niya.

Feel na feel naman niya ang yakap ko. Hihi

May ganitong side pala ang isang Chant Ivan Ostinatos.

Hindi lang pala siya palaasar, palautos, mahangin at hambog na chant na nakilala ko.

Nagtagal pa kame ng ilang minuto sa ganong pwesto. Bago siya kumalas at nag wika na

"So-sorry. Tara na sa loob." Aya niya. Tango na lang ang naisagot kasi yung feeling na parang nahiya ako bigla sa harap niya.

Bakit ka ba ganyan Chant? Baka mamaya mahulog ako sayo pero hindi mo naman pala ako sasaluhin.

She's The Rhythm Of LoveWhere stories live. Discover now