Rhythm 14 = Ivan's Past

100 2 0
                                    


[Chant Ivan's PoV]


Dinala ko si Carly dito sa isang burol.


Malayo sa sakit, malayo sa gulo, malayo sa problema, sa lahat lahat.


Dito sa lugar na ito ako palaging tumatambay , kapag gusto kong mag unwind at sa mga panahong gusto ko makalimot sa problema.


Siguro nga para sa kanila isa akong masayahing tao, palaging masaya, nakangiti, palatawa at kalog.


Hindi nila alam gusto ng sumabog ng dibdib ko na ang hirap magpretend na okay ka lang kahit ang totoo gusto ko ng mag-give up.


Mahirap magpanggap na masaya kung kabaligtaran ang nadarama. Di ganun kadali ngumiti kung malungkot ka talaga.


Mga magulang ko walang pakialam saken.


Sa mga birthday ko, parents meeting at mga pakulo ng school na dapat kasama ang mga magulang, graduation ko ng elementary at high school, mga christmas at new years wala sila.


Noong mga panahong may sakit ako dengue stage two, hindi man lang nila ako binisita sa ospital, hindi man lang silang nag-abalang kamustahin man lang ako. Maski 'Hi at Hello' wala man lang akong narinig sa kanila. Ni anino nila hindi ko nakita sa kwarto ko.


Sa mga recognition sa school, noong graduation ko ng elementary hindi sila nagpunta. Im the freakin valedictorian that time, pinilit kong maging first honor dahil sa pag-aakalang kapag nareceive ko ang pinaka mataas na parangal mapapansin nila ako.


Pero mali pala ako, nung sinabitan ako ng teacher ng mga medalya noon wala akong nanay at tatay na nasa tabi ko unlike sa mga schoolmates ko na halos dala pa nila ang buong barangay nila sa pagiging super proud ng mga magulang nila sa pagtatapos ng kanilang anak.


Pati pasko at bagong taon na nagdaan wala rin sila. Mag-isa lang ako sa kwarto ko na nagmumukmok at nakadungaw sa bintana at tinitingnan ang mga masasayang pamilya na nagpapaputok at masayang nagsasalo-salo sa labas. Wala akong kasama sa mga ganong okasyon, yung mga katulong at driver namen siyempre nagbakasyon para makasama naman nila yung pamilya nila.


Palagi na lang ganun ang takbo ng buhay ko. Tuwing uuwi sila sa bahay nagsasagutan, nagmumurahan at nagkakasakitan sila. Palaging ganun sila pero sa harap ng mga business partners nila akala mo ang sweet sweet na perfect yung pamilya nila kaya lang pagdating ng bahay ewan ko na lang kung anong masabi ng iba kapag nakita sila.


Ni minsan hindi ko pa naramdaman ang pagmamahal ng isang magulang, Hindi ko pa naranasan na ipagluto ni mama ng umagahan, tanghalian o maski hapunan man lang. Hindi ko pa naranasan na turuan ni papa sa basketball, sa skateboard pati laro sa playstation katulad ng ginagawa ng ibang ama.


Lumaki ako sa pangangalaga at pagaaruga ng mga yaya ko. Ni minsan hindi ko pa narinig sa magulang ko na tawagin akong 'anak'. Para lang akong basahang tinatapon nila.


Isang araw nalaman ko na lang na fixed marriage pala sila mama at papa sabi ni yaya noong kabataan daw nila mama at papa. May naging karelasyon si papa nuon at halos sa babaeng yoon na ibuhaos lahat ng atensyon niya kaso si mama habol ng habol daw kay papa at pinikot daw niya ito.


At hanggang ngayon mukhang hindi pa nakakamove on si papa sa first love niya kaya hindi niya kayang mahalin si mama. Sila ngang mag-asawa hindi nila kayang mahalin yung mga partners nila, ako pa kayang anak lang nila.


Bakit ganun ang unfair ng buhay. Hindi ba pwedeng masaya na lang? walang problema? at walang sakit na nararamdaman ganun?


Mahirap sabihing 'Okay ka' kahit ang totoo hindi naman talaga. Pero mas mahirap pa lang magpanggap na masaya ka kahit ang totoo ang sakit sakit na.


Naramdaman ko na lang na niyakap ako netong kasama ko tapos humihikbi-hikbi pa siya.


Nilayo ko siya saken ng kaunti upang mapagmasdan ang kanyang mukha.


"Ba-bakit ka naman umiiyak Carly? May nangyari ba? May masakit sayo? Ano! Tell me." tanong ko habang hawak-hawak ang dalawang balikat niya.


Ngumiti siya at nagwika na "Wala! Nukaba, Masyado kasing heavy drama yang kwento mo. Nacarried away ako. Alam mo yun ipadala ko kaya yung story mo kay Maam Charo o kaya kay Mel Tiangco para kumita man lang ako." Inosenteng tanong niya.


Napahalakhak na lang ako dun sa sinabi niya. "Baliw! kung ano ano naiisip mo. Tsaka wag na baka madiscover ako, hindi ka na makakalapit saken."


I cupped her face at inalis yung mga luha niyang naguunahan sa pagpatak.


"Alam mo sabi ng yaya ko, Tears are the most precious thing in our body kaya wag mong sayangin yang luha mo."


"Ang bait naman pala niyang yaya mo Vany! *O*"


"Vany?" I ask her. Saang lupalop naman ng burol niyo yun nakuha. Chant Ivan ang pangalan ko at hindi Vany. Parang si Bugs Bunny naman ng Looney Toons na may dalawang malalaking ngipin sa harap yung sinasabi niya eh.


"Oo diba tawag mo saken Carly? Edi itatawag ko na lang sayo Vany!!" Pumapalakpak pa siya habang kumikislap kislap ang mga mata na animoy tumama yung mga hinulaan niyang tanong sa isang pagsusulit.


"O-okay." Napatingin na lang ako sa ibang direksyon kasi parang biglang gumanda siya sa paningin ko. HAissst!


Napatingin na lang ako ulit sa kanya dahil sa kanyang sinabi.

"To be honest Vany. I dont have the words to make you feel better, but I do have arms to give you hugs, Ears to listen on whatever you want to talk about and I only have a heart, a heart that's aching to see you smile again. Yung totoong ngiti ha? hindi yung made in China."


"Huh? May ngiti bang made in China?" sabat ko pa sa sinasabi niya


"Duh! Meron kaya, yung plastik na ngiti parang ganun. Basta Vany hindi mawawala sa buhay ng tao ang masaktan. Dahil diyan nagiging matatag ka at natututo ka sa mga bagay bagay."


Tumango na lang ako at niyakap siya. Gustong gusto kong sabihin sa kanya na salamat...salamat at dumating ka sa buhay ko Carleigh.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's The Rhythm Of LoveWhere stories live. Discover now