Rhythm 13 = Monday strike!

108 5 0
                                    


[Carleigh Gianne's Pov]


Monday....... Monday......... Monday


Monday again! =_=


Haissst! Bakit ba ang layo ni monday kay friday? Pero ang lapit ni friday kay monday? Baket ganun?


Nakakayamot na eh.


I really hate monday! Puro assignments, walang katapusang reports at puro surprise quizzes.


Akala ko masaya ang surprises pero dito hindeeee! Buti pa si friday katabi niya palagi si saturday. Haiiist.


Tanong ko lang bakit dalawang araw lang ang weekends isn't unfair? Limang araw na parang may penetensya tapos dalawang araw lang ang pahinga?


"Ang haba ng nguso mo. Haha! ano bang problema mo?" narinig kong tanong saken ni Trick.


Anong mahaba ang sinsabi neto eh kung dagukan ko kaya to. Kung makatawa naman.


As usual andito kame sa cafeteria, tapos na yung tatlong naunang klase namin. May 2 hours pang vacant pa kami.


Hinihintay na rin namen sila Sam. Nasanay na kase kaming kasabay pati yung mga barkada ni Trick.


Simula kasi last week andami ng nangyari.


Napabuntong hininga na lang ulit ako.


"Trick kailan ba kasi tayo gragraduate?" Tumawa lang siya sa tanong ko. Duh! as if naman na may nakakatawa sa sinabi ko diba?


Lumapit lang siya saken at kinurot yung pisngi ko. Ito nanaman po siya.


"So, hobby mo na ngayon ang lamugin ang mukha ko ganun?"


"Haha silly! Ang taba-taba mo na kasi." tuwang tuwan niyang saad.


Pero anak ng pitongput pitong tupa! O_o

Ano daw?? ako mataba? Grabe ha! Baka kapag nalaman neto ang makalaglag panga na vital statistics ko baka di na ako pakawalan neto.


Tiningnan ko siya ng masama. Hindi niya ba alam na masakit sameng mga babae na sabihan ng mataba! Pasalvage ko kaya to o kaya naman pakain ko sa buwaya ko. Baka pwede na ding patapon ko siya sa mars para di ko na makita pa.


"Excuse me mister! Hindi ako mataba. Sa sexy kong to mataba!! How dare you say that to me you four-eyed geeky monster!!"


Yeah! Isa siyang monster matagal na. Ang sama ng ugali netong lalaking to. Arrrrg! Akma niya akong kukurutin ulit sa pisngi pero nilagay ko ang dalawa kong kamay sa harap ng mukha ko para hindi niya matuloy ang balak niya saken.

She's The Rhythm Of LoveWhere stories live. Discover now