Rhythm 2: The Boys

222 15 13
                                    

[Chant POV]

Hey girls, *wink* I'm Chant Ivan Ostinatos. You can call me Chant or Ivan and currently I'm the leader of  "Hunk Tempo", campus hearthtrob, tinitilian, pinipilahan, matalino, former basketball team captain at may pagka-romantik pero single and ready to mingle.

Hunk Tempo yun yung boy band group na binuo namen way back in our high school years, actually pinaka sikat yung grupo na yun sa school namen at pinipilahan ng mga kababaihan pati na rin ang mga pusong babae pero nailagay sa katawang lalaki.

Eh, pano ba naman kasi tatlong school hearthrobs and headturners ba naman ang humarana sayo tuwing may school activities tingnan ko lang kung hindi mahulog ang panga niyo samen. Haha walang wala si Alden Richards pati si Aljur Abrenica samin. Oooh! wala nang kokontra gwapo talaga kasi ako eh.

"Oy Chant tumulong ka nga magbaba ng gamit dito sa van. Kung ano ano nanamang pinagsasabi mo jan sa mga readers baka umasa yang mga yan. lol!" ~ sigaw ni Trick

Hay nako basag trip talaga tong taong to. Oo na, siya yung pinaka matalino samen. Hindi nga masyadong nagsasalita yan kung may topak tsaka hindi mo siya mapaghihiwalay ng mga libro niya. Kung pupunta nga kameng gumimik sasaglit pa yang pumunta nang bookstore.

Kung hindi lang namin alam na avid reader yang si Trick iisipin kong may pinopormahan siyang tindera ng libro eh. May itsura din siya half half kase, half japanese and half filipino siya kaya medyo chinito, buti nga maputi pa siya sa lagay na yan. Naku, kung maiitim lang yan prinito ang labas niya.

"Oo na, ayan na papunta na nga di ba Trick Alec Villanueva, tsk!" sigaw ko pabalik sa kanya.

Tss, kabadtrip naman eh! alam na nga lang na nagmomoment ako dito diba?

kung hindi ko lang talaga barkada yang si Trick ay nako talaga, malamang sa malamang binugbog ko na yan. Siya lang ang lalaking kilala ko na palageng may dalaw. whaha Alam niyo kung bakit? secret lang natin ah! ayaw niya kasing ipaalam sa iba eh.

Palaging mainit ang ulo pano ba naman kase first time niyang mabroken hearted sa first love niya, Tungunu! kabakla lang ano? kaya ako, hinding hindi ako maiinlove kahit kanino as in never in my wildest dreams! bwahaha taga niyo pa sa 8-pack abs ko, La eh ang gwapo ko kase.^_^

"Brad! nakatulala ka jan, nagiimagine ka ano!"~ sabi ni Shin tapos umakbay pa sakin sabay hagalpak ng tawa kitang kita na nga ang ngala nngala pati bagang niya. buseet! tinawanan daw ba ako.

-____- 

Andito nanaman tong asungot na to, Shin Ethan Thompson ang pangalan niya, anak ng isang major stockholder sa kumpanya namen.

Mga magkasosyo sa kompanya ang parents namen kaya naging magbabarkada kame. Kaya nga lang puro kabastusan ang iniisip neto eh, babaero kasi tsaka matinik sa babae makikita mo na lang siyang may kasamang babae iba iba nga lang kada araw, walang tumatagal na syota sa diyan pinaka matagal na ata ang isang araw sa kanya.

Palibhasa playboy kaya mabilis magsawa, may kasabihan nga sa buhay yan eh "I'm not a playboy, I'm just too friendly to the girls who love me." sabagay never pa namin nakitang dinate niya ulit ang mga ex's niya.

Actually may ipagmamayabang talaga siya pagdating sa itsura, kaso nga lang lamang lang ako sa kanila ng limang paligo, tatlong shower at isang toothbrush. HAHAHA, oh tawa kayo! minsan lang ako mag joke!

Okay, back to present alam niyo naman ang gawain ng mga gwapo lipat-bahay lang. Kase nga ung mga parents namen pinalayas kame sa bahay sobrang titigas daw ng ulo namen. haha just kidding!

Mag-aaral na kasi kame nang college kaya niregaluhan nila kame ng house and lot.

I can't imagine living in the same roof kasama itong si Trick at si Shin.

Oh, well magiging masaya naman siguro ang college life namen, let's give a try wala namang mawawala eh. menos gastos din tatlo naman na kameng magbabayad sa gastos dito diba? haha alangan naman kasing ako lang ang magbabayad, ano to charity works?

Eventhough, marami kameng bagay na hindi napagkakasunduan nitong mga brad ko iisa lang ang pinaka gusto namen pag nagkakasama ang mag JAMMING.

Yeah! you read it, may banda nga kame nung high school diba? Idol kase namen ang backstreetboys, one directon at faber dive haha mas gwapo lang kame! masanay na kayong puro gwapo ang sinasabi ko ang gwapo ko eh! ^_^

Hindi naman sa pagmamayabang i'm the lead vocalist of our band while Shin is on drums and Trick is expert on piano. HAHAHA! We always hit the right notes baby! *smirk*

.

.

"Bahala nga kayo jan! basta pag balik ko maayos, malinis, makintab at mabango na diyan sa kusina, kung hindi ipapatapon ko kayo sa Bermuda Triangle" sigaw nang kapitbahay namen. Aish, mga babae nga naman ang lalakas ng boses parang nakalunok ng microphone at speaker na kinabitan ng armalite eh.

(haha si Carleigh Gianne Taylor po yung narinig ni chant guys! nasa chappy 1 yang dialogue ni Gianne yan)

^^^^^^^^^^^

Yoooown, naka update na din sa wakas! haha enjoy watty prends! comment your suggestions and reactions. 

I'm dedicating this chapter to the one who made my book cover! thanks po ate! :)

LOVE_LOVE_LOVE

©2015 

               ~ GIRLPHANTOM

She's The Rhythm Of LoveWhere stories live. Discover now