1

117 8 9
                                    

School bell ringing.

"Class dismissed" our lecturer said.

I'm just playing my ballpen. Natapos ang klase ng wala akong naiintindihan. Ang boring kapag klase na. Kanina pa may nakaagaw ng atensyon ko at kanina ko pa rin ito sinusulyapan.

Nasa pinakadulo siya at malapit sa may bintana. Diretso ang kaniyang pagkakaupo habang nakikinig sa klase, may pagkakataong lilingunin niya ang labas sa may bintana parang pinagmamasdan ang kalangitan. Ang payapa niya panoorin, ang aliwalas ng mukha niya. Mukhang tahimik siyang babae.

Kaso nga lang ay sagabal ang suot niyang sumbrelo. Ang haba rin ng uniporme niya at may kalakihan sa kaniya, para siyang tomboy na madre sa haba ng palda niya kumpara sa mga babae kong kaklase.

"Bro!" napaayos ako ng upo sa pasigaw na tawag sa akin ni Miguel. Isa sa lokoloko kong barkada.

Well, I admit it. Kaming apat ng mga barkada ko, lahat kami mga babaero. Smirked.

My name is Joshua, Josh for short na lang. Grade 10 high school at malapit ng may senior high. The most handsome and famous in this Campus.

Ilang buwan na lang kase ay magtatapos na kami.

"What!?" inis kong pinukulan ng tingin si Miguel.

Nagkatinginan silang tatlo ng mga kaibigan ko saka ngingisi-ngisi akong inilingan at sinundan ng tingin kung saan ako nakatulala kanina.

"Wait, bro... 'wag mong sabihin type mo 'yang babaeng 'yan, kaya kanina kapa titig na titig?" mapang-asar na sabi ni Adrian.

Napangisi ako sa kaniyang sinabi "Shut up. What the h*ll are you saying? Are you out of your mind?! Of course not!" kaagad kong pagpoprotesta, napataas pa ang boses.

Kase naman, napakaimposibleng magkagusto ako sa babaeng iyon. Parang hindi nga babae kung umasta, ni hindi ko nga iyon kilala. I don't know kung kaklase ba namin iyon na transferee or alien na bigla na lang naki-upo dito sa room.

Nilingon ko muli ang babae na abala sa pagliligpit ng gamit niya. Ni hindi niya pinapansin ang nasa paligid niya, mukha siyang tanga.

Martin looked at me as if he doesn't believe what I've said. "Defensive" nakangising anito. Bumungisngis ang tatlong perv.

Sinamaan ko sila ng tingin silang tatlo saka nakangiwing napatingin ulit doon sa babae. Naka uniform siya kaya na isip ko na hindi yata transferee ito. Baka naman pala absent kaya hindi namin napapansin.

Panay ang pang-aasar pa rin nilang tatlo sa amin ng babae na iyon, maski sila ay hindi rin nila kilala. Pansin ko kanina, napakatahimik ng babaeng ito mukhang walang kaibigan.

hmp, loner

Hanggang sa matapos ang babaeng iyon sa pagliligpit ng gamit niya. Tumayo sabay hablot ng bag, isinukbit lang sa isang balikat at hinayaan itong nakalaylay. Gusot-gusot pa ang uniform na ngayon ko lang napansin. Parang hindi marunong magplansya.

Ngayon ko lang nasilayan ang buo niyang mukha, nakagilid kase siya sa bandang gawi ko.

Nasundan namin ito ng tingin hanggang sa makalabas ng classroom. Nagkatinginan kaming magbabarkada.

"Guys" pagkuha ko ng atensyon sa kanila "Tutal kanina pa kayo nambibwesit..." pambibitin ko.

"I have an idea" dagdag ko sabay ngisi ng nakaloloko.

"Oohhh.." umugong ang asaran nilang muli.

Alam kong alam nila na hindi ko matitipuhan ang ganoong klaseng babae na mas lalaki pa sa akin kumilos.

3 MONTHS Where stories live. Discover now