Second try.

Hindi ko alam kung bakit may magkahalong kaba at inis akong nararamdaman habang kumukuha ng timing sa paglapit ng babaeng ito.

Break time na ngayon at nasa likuran ko lang siya habang nakapila kami sa pag-order dito sa counter. Nakapamulsa ang mga kamay niya sa coat. Suot niya na naman ang malalaking uniform niya, akala naman ang ganda tignan. May suot pang headset.

May kahabaan pa naman ang pila, sinadya kong huwag ng paalisin ang mga naunang pila para maka order kami agad, upang may oras pa para makausap ko ang isang 'to.

Maya't-maya pa ay kinalabit ko na ito. Lumingon naman ito pero ang ulo lang ang umikot. Ngumiti ako sabay kaway. Nasalubong ko ang kulay kape niyang mga mata, mukha na naman siyang ewan na nakalingon lang sa akin.

Kita ko sa gilid ng mata kong napalingon sa amin ang ilang estudyante dahil sa sikat ako sa Campus ngunit nilalapitan ko ang isang unknown na babaeng ito.

Diretso niya akong tinignan.

"Ahm... How are you?" sarili kong tanong ay natigilan ako.

What the f uck!? Bakit 'yun 'yung nasabi ko!? What the f uck is wrong with me!? Dapat nagpakilala muna ako! Sa tanong ko parang magkakilala na kami! Well... is it necessary to introduce myself kung kilala naman ako sa buong Campus?

Panay kausap ko sa sarili sa isip sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko ay nawawala ang confidence ko bigla sa t'wing nasasalubong ko ang mga mata niya. Para kaseng sa mata niya pa lang na wala namang emosyong makikita ay hinuhusgahan niya na ako.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, para bang kinikilala kung sino ako. Napaayos ako ng tayo.

Calm down Josh, dapat manalo ka sa pustahan.

I cleared my throat. Hindi ko mapigilan ang kaba, s hit.

"Ahm.. I————" hindi natapos ang sasabihin ko nang lingunin niya na ang counter, tapos ng mag-order ang nasa harap niya.

Sumunod siya. Susubukan ko pang pakinggan ang boses niya dahil hindi ko pa siya narinig magsalita, nakakabaho ng bunganga 'yan babae.

Ngunit, kinalabit ako bigla ni Adrian "Ano? Nakausap mo na?"

"Bwesit, paano ko makakausap kung istorbo ka?" mahina ko pang ani sa kaniya saka sumimangot.

Nang nilingon ko na ang babae ay bigla na lang itong naglaho na parang bula. Ang bilis nawala. Kaagad kong tinanong ang nagtitinda kung saan nagpunta iyon. Sinabi naman nitong umalis na daw.

Sa'n kakain 'yun?

"Where the h ell did she go?" kunot nuo kong tanong sa mga kasama ko, nagkibit balikat ang dalawa maliban kay Miguel.

"I saw her kanina, kalalabas lang———"

"Let's go" mabilis kong saad saka nangunang naglakad palabas.

"Wait, hindi ba muna kayo mag-oorder?" rinig ko pang ani Martin.

Hindi ko na ito nilingon pa ang nagmamadaling lumabas, mukhang nagpaiwan ang loko para siya na lang mag-order.

Lakad takbo kami kahit saan, naghiwa-hiwalay pa kami na parang naghahabol ng magnanakaw. Ang bilis maglaho, multo yata 'yun.

Nakalabas na lang kami sa building at napunta sa field, pinagpawisan na lang kami kakahanap sa isang 'yun. Kung bakit pa kase iyon ang napili kong target, parang mahihirapan nga ako.

"Josh" tawag ni Miguel sa akin, hinihingal ko siyang nilingon.

"Over there" nag-angat siya ng tingin.

3 MONTHS Where stories live. Discover now