Warning!

[SPG]

_______

"JOSH!"

Nagulat ako sa sabay-sabay nilang pasigaw na tawag sa akin. "What!?" I threw my bag at them.

Nagtawanan ang mga baliw "Why are you always so lutang bro?" Adrian said.

Nilipat ko na lang sa kahit saan ang paningin, hindi na naman kase ako pinatulog ng dahil sa nangyari sa amin ni Sam kahapon.

"Ano ng ganap sa inyo ni Sam? may nangyari na siguro noh kaya ka gan'yan?" Martin asked with a teasing look.

Napaiwas ako agad ng tingin na ikinatigil nila at nabalot ng asaran dito sa loob ng gym. "Tell us what happened-"

"Next time na lang" kaagad kong pagpapahinto sa kanila bago tumayo at inagaw ang bag ko sabay alis na.

Narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi ko nilingon. Eksaktong paglabas ko ay may nakabunggo ako. Muntikan pa siyang ma out of balance bago kami nagkatinginan.

"Sam" pagbanggit ko sa pangalan niya. Sabay pa kaming nagka-iwasan ng tingin, naalala ko ang nangyari.

I can no longer really understand myself. I'm used to sleeping with women, dapat nga wala na lang para sa akin 'yun dahil hindi ko pa naman nakukuha ang puri niya. There is something about her that I have not seen in others.

Akala ko talaga tatanggihan niya ako, nabigla pa ako no'ng pinatuloy niya ako sa ginagawa ko sa kaniya.

I heaved a deep sigh before I cleared my throat. "Can we talk?" paglalakas loob ko. Gaya ng inaasahan, hindi siya sumagot.

Basta ko na lang siya hinawakan sa wrist niya. Ramdam ko ang init ng kan'yang temperatura bago ko siya marahang hinila sa kung saan. Huminto kami at binitawan na siya dito sa may locker. Nag-angat siya ulit ng tingin sa akin.

I don't know what went through my mind but I feel like I want to apologize to her even though I don't have that in my vocabulary.

I looked down at my shoes before scratching the side of my forehead "Listen, about yesterday-"

"Yes" hindi ko pa nga natatapos sasabihin ko may sinabi na siyang siya lang nakaintindi agad.

"Huh?"

"Yes"

"What do you mean, yes?"

"Tayo na"

I blinked several times and my lips parted because of what she said. Bigla na lang akong nakaramdam ng kakaibang kaba kahit ang bilis ng pangyayari.

"Huh?" lutang kong tanong ulit. My brain was still processing.

Bumuntong hininga siya dahil paulit-ulit akong nagtatanong sa gusto niyang sabihin.

"I don't get it" nalilito kong sabi.

Tinignan niya lang ako 'yun na naman ang mga mata niyang basta na lang ako mapapatitig doon. Her eyes seemed to have a magic spell that can  control my entire body.

Gamit ang isang senyas niya sa isang daliri niya na lumapit daw ako ay kahit nagtataka, sumunod naman ako. Binaba ko ng bahagya ang ulo ko papalapit sa kaniya, nilapit ko pa ang tenga ko sa pagaakalang may ibubulong siya.

Kinakabahan ako lalo sa pagkakautos niyang lumapit ako "I'm your girlfriend now" She whispered in my ear. Nanindig ang mga balahibo ko sa binulong niya pati na rin ang init ng hininga niya.

I was shocked to look at her, but the touch of her lips on my cheek made me stop even more. My jaw dropped at what she did, hindi ko akalaing siya ang nangunang humahalik na sa akin ngayon.

3 MONTHS Where stories live. Discover now