Patuloy ako sa pagsunod sa kaniya, hindi ko alam kung kailan pa ako naging stalker sa target ko.

Skateboard lang niya ang gamit sa pagpupunta kung saan. May pagkakataong nakikisingit pa ako sa kung saan para lang masundan siya. Pamilyar naman sa akin ang dinadaanan niya kaya hindi ako maliligaw.

Sa tabi-tabi lang siya nagi-skateboard kung saan may espasyo siya hanggang sa lumuwag na ang daan na tinatahak namin. May kalayuan akong panay ang sunod sa kaniya. Kaunti na lang ang dumadaang sasakyan dito at hindi na siksikan sa lawak ng daan.

Patuloy siya sa pagsipa sa lupa habang nagbabalanse sa skateboard. Ilang sandali pa ay huminto siya sa isang banda. Pinatay ko rin ang makina ng sasakyan ko, medyo malayo ako sa kaniya para hindi niya agad mapansin na sinusundan ko siya.

Ngayon ko lang namalayan na ang daan na tinatahak namin kanina ay katabi lang nito ang karagatan. Inalis ko ang seat belt ko saka siya pinanood na tumawid sa kabilang side at ikinatigil ko nang sumampa siya doon sa gilid nitong kalsada. Gawa sa simento. Naupo siya doon, itinabi niya ang skateboard.

Naka indian sit pa siya bago tumunganga sa kawalan. Aaminin ko, ang ganda ng view dito. Sa 'di kalayuan kong pwesto muka sa loob ng sasakyan ay pinanood ko pa na nag-angat siya ng tingin sa kulay kahel na kalangitan. Magtatakip-silim pa lang.

Kita kong dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata matapos may sumalubong sa kaniyang hangin isinasayaw nito ang hibla ng buhok niya at tela ng damit. Hinawakan niya ang suot niyang bonnet, para bang nag-iingat na baka matanggal ito.

Wala siyang ginawa doon kundi magtambay lang habang papalubog pa lang ang araw. Suot ang headset. Na-iinip ako bigla kaya kinuha ko muna ang cellphone ko. Nakita ko pang may mga replies silang tatlo sa akin. Tinanong na nila kung naibigay ko na ba ang sing-sing.

Kinuha ko ang maliitna box ng sing-sing na ito saka binuklat. Pinagmasdan iyon.

"Hindi pa" tugon ko sa kabilang linya. Nadismaya ang kabarkada ko.

Nang aksidente kong nabalingan ng tingin ang labas na pagmamasdan rin sana ang papalubogna araw nang mapatigil ako bigla. Tumayo kase sa kinauupuan kanina ang babae, nagbaba ito ng tingin na paniguradong malalim na tubig dagat na iyon sa ibaba.

Putang----magpapakamatay ba siya!?

"I'll hang up the phone na, bye muna" bigla ko na lang paalam.

"What? Hey Josh----"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nila ng pinatay ko na ang tawag bago ibinulsa ang maliit na box at lumabas na sa sasakyan. Pagkalabas ko ay naririnig ko ang paghampas ng alon na sinasabayan ng preskong hangin.

"Hey!" tawag ko sa babae sabay takbo papalapit.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang makialam kung magpapakamatay nga siya gayong hindi ko naman siya kilala, isa pa ay dapat nga sasaktan ko siya.

Nilingon ako nito, lumilitaw ang kagandahan ng kulay kape niyang mga mata at maputing balat dahil sa sunset. Naka angat ako ng tingin sa kaniya. Nagtama ang aming paningin nang huminto ako malapit sa kaniya.

"What the f uck are you doing!?" hindi ko alam kung bakit nasabi ko pa iyon na para bang nag-aalala ako. Di bale, sasakyan ko na lang upang makuha ang loob niya.

Iyon na naman ang ugali niyang nakakainis. Muli niya lang nilingon ang kalangitan at nakapamulsang pinagmamasdan iyon. Para bang hindi na siya nabigla sa pagsulpot ko.

Alam niya bang sinusundan ko siya? Sh it!

"Get down, miss. Mahuhulog ka!" pasigaw kong saad dahil sa tunog ng hangin at alon dito lalo na't naka headset siya, baka hindi ako marinig.

3 MONTHS Where stories live. Discover now