TO:MGLS 1

61 5 1
                                    

                  "Hoy, Shekinah Arzaga, papansinin mo ako ngayon o hindi na kita kikilalanin na kaibigan?"

                 Nag-angat ng tingin si Sheki mula sa pagkakasubsob niya sa harap ng kanyang laptop. "May sinasabi ka ba, Marsela?" tanong niya sa ngayon ay nakanguso na niyang kaibigan. Mukhang kanina pa ito daldal nang daldal ngunit hindi niya ito napapansin. Kasalukuyan kasi siyang abala sa pagsulat ng kanyang obrang nobela.

                "Sabi ko po, magpapakasal na ako. Invited ka sana kung di mo lang ako iniignore ng ganyan."

                "Ah talaga? Congrats!" sabi niya na parang nabigla at pagkatapos ay ibinalik ang atensyon sa kanyang sinusulat. "So, kailan ang divorce? Saka mo nalang ako imbitahan kapag hiwalayan na. Ipagdadala pa kita ng regalo n'on."

              "Alam mo, lukring ka talaga kahit kailan e."

               She stopped typing and adjusted her glasses before rolling her eyes at her friend. "E, lukring ka din kahit kailan e. Wala ka namang jowa, anong kasal sinasabi mo riyan? Sabog ka ba, Sela?"

                Her friend rolled her eyes at her this time. "Epal. Magiging kami din ng crush ko 'no! At magkakaroon kami ng masayang pamilya!"

               "At mabubuhay ang mga patay.", she sipped at her coffee.  "So ano nga ang sinasabi mo at dumayo ka pa dito?"

               "Ayun nga, kanina, nakita ko si Abelaine tapos nginitian nya ako –"

                "Yung seryoso."

                Napamaang sa kanya ang kaibigan at umaktong nasaktan. "Hoy! Kanina pa kaya ako seryosong nagkukwento sa iyo."

              "Eto na ba yung seryoso?" she asked with a knotted forehead.

               "Oo. Seryoso ako sa kanya." Mabilis na tugon ng kaibigan at pagkuwa'y tumingin sa taas na animo'y nangangarap. "Abbey-beh. My lab, so sweet."

                Siya naman ang napamaang sa kaibigan. Pakiramdam niya ay may kaharap siyang elyen sa mga oras na iyon. "Ewan ko sa'yo, ineng. Kausapin mo ang mga butiki dito sa kwarto ko. Ako naman e, magpapayaman dito kaysa makinig sa pagiging delulu mo." binalikan nya ng tingin ang kanyang nobela.

             "Shekinah naman e. Mayaman ka na, tigilan mo na 'yan at pakinggan mo ang love story ko."

             "Hindi pa ako 'sing – yaman ni Bill Gates kaya 'di pa ako pwedeng tumigil, 'no. At isa pa, wala naman akong mapapala sa love story mo, 'di umano'." Inihanda nya na muli ang kanyang isipan sa susunod na eksena sa nobela pero hindi pa man siya nakakapagsimula ulit ay sinirado na ng kaibigan nya ang kanyang laptop at inilayo sa kanya. "Hoy, Sela!"

             "Anong wala kang mapapala? Magagamit mo ang storya ko sa nobela mo! Akala ko ba mahilig ka sa romantic na story?"

              "Paano ko naman gagamitin 'yon? E, wala namang romance sa mga sinasabi mo. Huminga lang yata si Abelaine ay romantic na sa iyo."

              "Romantic kaya ang story naming! Ayaw mo lang pakinggan kasi inggit ka!"

             "Ewan ko talaga sa'yo, Marsela! Ibalik mo sa akin si Lappy!"

             "Aba, parang jowa mo na itong laptop mo a. Baka naman magselos pa ako nyan ha?"

            "Mas importante pa si Lappy sa akin kaysa sa mga sinasabi mo." pilit na inaabot niya ang kanyang nag – iisang laptop subalit dahil hindi siya nabiyayaan ng tangkad ay nahihirapan siyang agawin iyon dito. "Marsela Mari Guia, isa!"

             "Dalawa, tatlo! Oh!" iniabot na rin sa kanya ng kaibigan ang kanyang "jowa" matapos nilang pagpawisan. "Alam mo ikaw, Sheki, wala ka talagang ka romance romance sa katawan."

            "Anong wala?! I have all the romantic bones inside my sexy body, 'no! I'm a writer kaya!", she proudly said. Hindi siya papayag na tawaging 'hindi romantic' dahil iyon ang forte nya. She loved the idea of being inlove and to imagine romance all day long. Kaya nga siya isang successful na writer ngayon.

               "And I am one of the best."

              "Pero hanggang nobela lang ang romance mong iyan. Unrealistic."

             "Hoy, hindi pangit ang mga nobela ko.", she puffed her cheeks.

            "Hindi ko naman sinabing pangit ang nobela mo. Magiging fan ba ako kung pangit 'yan? Alam mo namang allergic ako sa pangit."

             "Loka!"

             "Ayon, gaya nga ng sabi ko, maganda yung story pero unrealistic. Saan ka naman hahanap ng magiging jowa na kasing perfect ng mga lead character ng novels mo, di ba? Di sila nag eexist in real life. These type of romances does not exist. Kaya kitamo, bokya pa rin ang lablayp mo."

             "Bokya rin naman ang love life mo-- aray naman, Marsela!" reklamo niya habang hinihimas ang brasong pinalo nito.

             "Love life mo ang usapan dito. 'Wag mo akong idamay. May Abelaine ako."

             "Pero hindi ko naman kailangan ng love sa real life, Sela. Masaya na ako sa love sa mga nobela ko. Napapasaya na nila ako, nakakapagpasaya pa ako ng ibang tao."

             "Mabubuhay ka ba ng mga nobela mo lang ang basehan ng love?"

             "Binubuhay ako ng kinikita ko sa nobela, Sela." she proudly said.

            "Oo nga naman. Pero iba pa rin yung mainlove ka sa real life. Can't you imagine that?"

           "Sus, araw – araw na nga akong nag-iimagine para sa mga story na sinusulat ko." kibit-balikat na tugon nya.

             Her friend sighed. "Pero Sheki, sooner or later mauubusan ka rin ng idea sa pagsusulat."

             "Well, noon na rin ako mamumulubi, then?"

             "Hay nako, Shekinah." Tumayo sa inuupan ang kanyang kaibigan at lumapit sa pwesto nya. "A love inside a book has an ending. Yes, it can be happy o sad, but it ends. Ayaw mo ba na maranasang umibig na panghabang-buhay? Malay mo kapag nasubukan mong mainlove, mas gumanda pa ang mga nobela mo."

             She started to think about it deeply. Is she really contented with the romance inside her head and her novels? Does she really need to experience it first hand to understand it deeply?

             "So ano na, Sheki?"

             "Sige, pag – iisipan ko." sakay nalang niya para magtigil na ito sa kakakulit sa kaniya.

             "Kailan mo naman balak na maghanap ng magiging asawa?" nagniningning ang mga matang tanong ng kaibigan nya.

               "Asawa agad?"

               "Kailan nga?"

               "Kapag white na ang uwak."

               "Ha! Paano ba 'yan..." may kung anong kinutingting ito sa cellphone pagkatapos ay ihinarap iyon sa kanya.

                Albino crow

               "...oh. maghanap ka na."

Take One: My Grumpy Love Story (SheLice)Where stories live. Discover now