TO:MGLS 2

29 5 0
                                    

                   Kanina pa nakatingin si Sheki sa monitor ng kanyang ever-trusted laptop. Masakit na ang mga mata niya at matutuyo na rin ang kanyang utak sa kakapiga ng eksena para sa kanyang nobela ngunit wala pa rin siyang napapala. Blanko pa rin ang nasa harapan nya.

                   Yes, she's having a writer's block.

                   "And I don't like it." inis na kinamot nya ang kanyang buhok. "I don't like this one bit! Arrrgh!"

                   She's not happy that she couldn't even write a line. This never happened to her before, kaya naman naiinis sya sa sarili nya. "Asar! Paano ako yayaman nito kung ni isang letra ay wala akong masulat?!" tinampal niya ang kanyang pisngi. "Ano na, self? Magpapayaman ka pa, di ba? Bibilin mo pa ang Pilipinas. Kilos! Sulat!"

                  Ngunit walang kwenta lahat ng kanyang pagmomotivate sa sarili dahil ayaw na ngang kumilos ng kanyang katawan. Mukhang lumipad na ang lahat ng istorya na pwede niyang isulat sa lala-land at walang balak na bumalik pa ang mga ito sa ngayon.

                 "This can't be happening." she frustratedly lie down at her bed. She can't believe that she's running out of idea. She's Shekinah, she never failed to imagine about love. Ngayon lang.

               "...sooner or later mauubusan ka rin ng idea sa pagsusulat." naalala niyang sabi ng kanyang kaibigan. Kung ganon ay wala na nga ba talaga ang balon niya ng kaalaman sa romance?

                 "Am I really out of stock now?"

                "Ah! Hindi! Hindi maaari 'yon!" mariing sabi niya at mabilis na tumayo para kuhanin ang kanyang pitaka. "Kailangan ko lang ng ibang environment. Yon lang." pagkumbinsi nya sa sarili. Siguro nga ay nasasawa lang ang kanyang utak sa maghapong pagtingin sa kanyang kwarto kagaya kapag panandaliang nawawalan siya ng gana.

              "Tama, kapag lumabas ako ngayon para uminom ng kape at kumain, paniguradong marami na akong idea pagbalik ko." patuloy na pagkausap niya sa sarili habang palabas ng unit nya. She's heading towards her friend's café near where she lives. Doon na muna siya tatambay habang inaayos ang nag-aagiw na niyang utak.

              "Oh, Sheki! Himala at lumabas ka na ng lungga mo? Tao ka na ba ulit?" bungad sa kanya ng kaibigan pagkapasok pa lang niya sa Lib Café.

               "Akala ko ba, bawal ang maingay sa kapehan na ito? Bakit ang ingay mo?" kunot-noong saad nya.

                "Sa akin naman itong kapehan na ito, kaya ako ang batas dito. Kita mo nga, nakakapasok ka kahit maingay ka." her friend rebutted.

                 "Wow, Salamat." she said sarcastically.

                 "Teka, nasaan na pala ang jowa mo?" dagdag pa nito.

                 "Anong jowa ang sinasabi mo d'yan, Ecka?" she asked when she's in front of the counter. "Isa ngang banana nutella mille-crepe at isang iced latte."

                  "Ade yung laptop mo." saad nito habang inaasikaso ang order niya. "Hindi kaya kayo mapapaghiwalay ng laptop mo kahit saan. Kulang na nga lang pakasalan mo na 'yon e. So asan nga? Break na kayo?"

                   Hindi na maipinta ang mukha nya sa pangungulit ng kanyang kaibigan. "May sira ka ba sa utak, Ecka? Malala na yata 'yan, magpacheck ka na. Baka iwanan ka ni Belle kapag nalaman nyang baliw na ang girlfriend nya."

Take One: My Grumpy Love Story (SheLice)Where stories live. Discover now