TO: MGLS 4

26 5 1
                                    

                       Alice was busy flipping a book inside her clinic when the sunlight hit her face. She groaned and look out the slightly opened curtain and saw the already clear blue sky. Inumaga na siya. She inhaled sharply while gently rubbing her temple and slightly stretching her legs to regain her blurred senses. The mixed scent of antiseptic and coffee lingering in the air.

                    "Good morning, Doc cutie!"

                     Napalingon si Alice sa nagsalita. Isang cute at maliit na babae ang nakasilip mula sa pintuan ng kanyang clinic.

                     "Ay lumingon. Cutie nga." nakangiting sabi nito. Bahagya namang napakunot ang noo niya dahil di niya maalala kung saan niya nakita ang babae.

                     "Do you need something?" She asked. Baka kasi nautusan lang ito ng magulang kaya ito nandoon ngayon.

                      "Ay. Wala naman, doc. Magt-thank you lang ako."

                      Lalong nangunot ang noo niya. "Thank you for what?"

                    "Ah. The other day, you helped me sa paghahanap ng bahay namin."

                     She searched her overworked brain for a scene similar to what the girl in front of her is saying. And then she remembered a cute small girl frantically looking everywhere, as if searching for something.

                    "Pasensya na kung ngayon lang ako nakapag thank you. Inasikaso ko kasi ang mga gamit ko kahapon. Medyo matagal na kasi akong di nakakauwi."

                    "Ah. The Arzaga kid."

                   "Doc, di na nga ako bata. Mukha lang talaga akong baby pero di na ako bata."

                   "Ah. Sorry." She apologetically said. Pero tiningnan niya pa rin ito mula ulo hanggang paa. Napansin niyang nakatingin din ng mataman sa kanya ang babae kaya naman agad siyang umayos.

                   "So, what can I do for you?" she asked rubbing her temple. Sumasakit na ang ulo niya. She just got home about an hour ago from an emergency. She haven't slept for the past 22 hours and her work's not done yet.

                    "Wala talaga doc, magsasabi lang talaga ako ng thank you. Tsaka pala pinadalahan ka ni Mommy ng food. Baka raw kasi di ka pa kumakain." Iniangat nito ang hawak na tupperwear at bahagyang inuga.

                     "Di na dapat kayo nag abala." Matipid na sagot niya.

                    "Naku doc, di naman abala 'to samin. Masarap 'tong luto ni Mommy na chicken afritada. Tumulong din ako dyan maghiwa ng patatas at carrots!" Sheki puffed her chest out.

                   "Still, dapat di na, but thank you na rin. Kainin ko nalang mamaya tapos ihahatid ko na lang ang lalagyanan sa inyo." she answered.

                  "Wala yun, doc. Ako talaga ang nagpapasalamat dito."

                   "You're welcome, then."

                   "Lagay ko nalang dito sa lamesita nyo ha?" pumasok na ito ngayon.

                     She nodded and turned her focus back on what she's reading. Minutes passed and she could still see the girl's figure on her peripheral vision, so she lifted her head again. Nakita niya na mataman itong nakatingin sa kanya.

                    "Yes?"

                    Agad naman na nagbawi ito ng tingin sa kanya at napakamot ng ulo. "Ah. Ano. Maganda ba 'yan?" tanong nito sabay turo sa nasa kamay niya. She looked at the book she's holding. Kanina niya pa ito binabasa pero 'di na rin niya masyadong nauunawaan.

                   "If you're interested in physiology, I guess, it is interesting." she replied.

                    "Ah, interesado ka diyan? Baka maganda nga."

                     She just nodded once again and return her blurry vision to the book. Hindi niya na ito balak pansinin pa dahil abala talaga siya sa kanyang ginagawa. Subalit hindi pa man niya nasisimulan ulit ang pagbabasa ay may parang pumitik sa sentido niya na agad na kumalat sa kanyang ulo. Muli niyang hinilot ang kanyang ulo.

                    "Mahilig din ako magbasa, nagsusulat kasi ako ng mga nobela kaya para makakalap ng info, need ko magbasa." Patuloy ng babae sa tapat ng pintuan. Patindi na ng patindi ang sakit ng ulo niya kaya minabuti niyang isara na ang libro. Her eyes are getting very sensitive to light as time pass by kaya naman mariing ipinikit niya ang kanyang mata para maibsan ang sakit na nadarama.

                   "Nakabasa na rin ako ng mga books for medicine kasi some of my characters are doctor..."

                   Muling pumintig ang ulo niya dahil maging ang kanyang pandinig ay nagiging sensitibo na rin. At sumasakit ang ulo niya sa patuloy na pagsasalita ng babae sa may pintuan ng clinic niya.

                  "Can... you please stay quiet for a while?" She asked. Napahinto naman ang babae sa pagsasalita, ng mga sampung segundo dahil mayamaya pa ay nagsalita ulit ito.

                   "Doc, okay ka lang ba?" tanong nito na tinanguan niya.

                   "I'm fine. Just a bit light headed." Alice pursed her lips when she felt another thump on her head.

                     Mukhang hindi nito nakumbinsi ang dalaga. "Weh? Bakit mukhang hindi ka fine, doc? May masakit ba sa iyo? Gusto mo ba tumawag ako ng doctor? – ay! Doctor ka nga pala..." Lalong sumasakit ang ulo niya dahil sa walang preno nitong pagsasalita at nagsisimula na rin siyang makaramdam ng pagkairita.

                    "I said I'm fine.  Wag kang mag-alala sa akin, kaya ko ang sarili ko." bahagyang may diin na sabi niya. She counted one to ten mentally and inhaled some air to calm herself and also to feel a bit better.

                    "Naku, sabi mo lang yan e. Ganyan naman kayong mga doctor, alaga ng alaga sa iba pero di maalagaan ang sarili - "

                     The last string in her head snapped when her head aches one more time. "You see, miss, I hate noises. And right now, you're the epitome of what I hate. So, can you please leave me for now?"

Take One: My Grumpy Love Story (SheLice)Where stories live. Discover now