TO: MGLS 6

34 4 3
                                    


                 "HOY! Babaita ka! Bakit bigla bigla kang umaalis ha?" napangiwi nalang si Sheki nang marinig ang sigaw ng kaibigan mula sa kabilang linya.

              "Ano ba 'yan, Marsela, ang aga mong maingay." she rubbed her temple and groaned pagkakita sa oras. It's just seven in the morning. Too early for this! She just woke up dahil nag iingay ang cellphone niya.

            "Aba, mag – iingay talaga ako dito. Di ka man lang nagsasabi na mawawala ka pala? Pumunta ako dito sa condo mo tapos wala ka."

             Nakikini-kinita niya ang mukha ng kaibigan niya. She must have been puffing her cheeks right now and rolling her eyes at her. She just rubbed her eyes to wake her mind up.

             "Ano bang ginagawa mo diyan ng ganyan kaaga?"

            "Makikikain sana."

           "Takaw!"

          "Pangit!"

          She gasped, springing up her bed to sit down. "How dare you— ikaw pangit!"

           Tumawa ito sa kabilang linya, "Nasaan ka nga? 'Kala ko nakidnap ka na."

            Inismiran niya ito kahit hindi siya nakikita. Tinatamad pa talaga siyang lumabas ng kwarto kaya agad siyang nahiga ulit at dumantay sa unan, "OA naman! Tinatakasan talaga kita dahil alam ko naman na magkukwento ka lang ng tungkol sa gawa gawa mong love story ninyo ni Abelaine!" she teased.

          Sela gasped from the other line making her giggle a little this time. "Hindi 'yon gawa gawa!" Ang sarap talagang pagtripan ng kaibigan niya na ito.

         "Oo nalang, Marsela."

        "Nasan ka nga ngayon, mars?" maya maya ay tanong ulit nito.

        "Nandito sa village. Umuwi ako dito para makakuha ng bagong idea --" hindi na niya natapos ang sasabihin nang sumingit ang kaibigan.

        "SHEKINAH ARZAGA, DID YOU JUST GO HOME AT OUR VILLAGE WITHOUT TELLING ME?!" Sela continuously said in a very loud voice, making her flinch. Mabilis na inialis niya sa speaker phone ang tawag. Pakiramdam niya ay mabibingi siya dahil sa bibig ng kaibigan niya.

          Anak ng patu-tun!

          Wrong move yata na 'di siya nagpaalam sa kaibigan bago umuwi. Yes, they came from the same village. Bata pa lang ay kasama na niya si Sela sa lahat. Sanggang-dikit kaya naman kahit magkaiba ang trabaho nila sa Manila ay palagi pa rin silang nagkikita.

          "Marsela naman, ang lakas mo sumigaw! Pag narinig ka ni 'My!" pabalik na ungot niya dito. Mabuti nalang talaga at sarado pa ang pinto ng kwarto niya.

           "Iparirinig ko talaga kay Tita na umuwi ka na hindi ako niyayaya! Ang daya! Ang daya daya!"

           She winced at her friend's whining. Sela is probably stomping her feet right now at her condo. Di niya talaga balak na ipagsabi kahit kanino na uuwi siya. Iniiwasan niya kasing mabuska ng mga ito dahil sa wala pa rin siyang maisulat. Kaso ay ito ang resulta, lagot din siya. She quickly has to think of a way to calm her friend down.

           "Sorry na, Marsela. I was thinking na dahil nasa States sila Tita, di ka uuwi dito."

           "Sa inyo naman ako tumatambay naman to eat a! O kaya kina Ranso—"

            "Busy ka kasi sa work..."

           "I can take a leave?"

               "...at kay Abelaine, kaya hindi na kita nayaya, bruha ka ba?" she continued to reason. She could hear a long silence sa kabilang linya bago niya narinig ang mahinang pag ismid nito sa kanya.

             "Makakapaghintay naman ang story namin ni Abby." Sela said grumbling.

            Hindi niya napigilang mapahawak sa noo dahil sa kaibigan niya. Kakagising pa lang niya pero parang ubos na ang lakas niya. "Oh sige na, I'm sorry, bebe Sela, my bad. Stop grouching na. Biglaan lang din naman. It's because I was planning to stay here for a while to write."

             "Fine." She smiled when her friend finally gave in despite sulking. "Gaano ka ba katagal diyan? I can sunod on weekends nalang tapos sabay tayo bumalik dito."

            "Ahm..." inilayo muns niya ang cellphone sa kanyang tainga bago magpatuloy, "...about a month ang plano."

            "Ang tagal naman! Dati isang week lang pinakamatagal!" reklamo nito. Natatawa tawa nalang siya talaga. Hindi lang halata pero clingy din talaga ang Tamago nila.

           "Eto naman, pwede naman magtagal din dito! Miss na miss mo ba ako? Ako yata crush mo, hindi si Abelaine." she joked

             "Hoy ang kapal mo d'yan, Shekinah! Wala lang akong maiinis dito e! Paano ko na tutuksuhin love life mo?"

            "Wag ka na sumunod dito, Marsela! Pepektusan ko lungs mo. "

              "Heh! Susunod ako diyan sa'yo as soon as makapagpaalam ako sa boss ko! Baka magkalove life ka diyan tapos di ko masaksihan!" pagkuwan ay bulalas nito na ikinakunot ng kanyang noo. Bigla kasing pumasok sa isip niya ang masungit na Doktor at ang mga mata nito. She felt her heart skip a beat. Napabalikwas na siya ng tayo dahil sa nangyari.

              What the heck! Bakit ko siya naisip?? No way, man! Mukhang lutang pa yata isip ko.

           Iniling-iling niya ang kaniyang ulo para maalis sa isipan ang cutie --- ng doktor na iyon.

            "Sheki? Hello? Ba't nawala ka? Wag mong sabihing nakahanap ka na nga diyan?!"

               "Hoy anong sinasabi mo diyan? Wala akong nahanap no!" Tanggi niya at dali-dali na binuksan niya ang pinto ng kaniyang kwarto para kumuha ng tubig pampakalma ng sarili. Nasa hagdanan siya nang makita niya ang Mommy niya at sinenyasan siya nito na maghilamos na muna at magready na kumain. Tumango lang siya dito at dire-diretso papunta sa kusina kung saan nakalagay ang mga baso at agad kumuha ng maiinom.

             "Weh? Bakit? Mga pangit pa rin ba nandiyan sa atin?" ,biro nito. "Wala pa rin bang magandang lahi dyan ngayon bukod sa'tin?"

              Muling pumasok sa isip niya ang mukha ng doctor.

             "Meron sana...kaso masungit." sambit niya nang maalala kung paano siya nito sinungitan. Mahina lang ang sinabi niya pero hindi ito nakaligtas sa pandinig ng kanyang itlog na kaibigan.

             "Anong meron- may magandang nilalang diyan, Sheki!? Crush mo?!"

            Nanlaki ang mata niya sa sinabi ng kanyang kaibigan at mabilis na nag-init ang kaniyang pisngi. "Anong crush?! Sabi ko lang may magandang nilalang! Hindi ko crush ang masungit na doktor na 'yon no! Ganda nga kaso ang sungit bakit ko siya magugustuhan?" Dire-diretsong sabi niya rito pagkaraan ay humarap siya sa may lamesa habang umiinom ng tubig. Sumakit ang ilong niya dahil biglaang naibuga niya ang kanyang iniinom nang makita niya ang dalawang taong kumakain ngayon ng umagahan sa kanila.

          "Goodmorning, Sheki." Nakangiting bati sa kanya ni Dana. Pero di niya ito napansin dahil nakatuon ang mga mata niya sa pares ng matang nakatingin din sa kanya. 

            Kay Cutiepie Doctor Alice.

           Watdapak!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Take One: My Grumpy Love Story (SheLice)Where stories live. Discover now