TO: MGLS 3

31 5 3
                                    

                             "Hello, mommy?" bungad ni Sheki sa kanyang ina na ngayon ay kausap niya sa kanyang cellphone.

                             "Malapit ka na ba?"

                            "Yes po, malapit na ako. Abangan n'yo nalang po ako sa may gate. Parang nakalimutan ko na kasi kung nasaan ang bahay natin." Sheki joked as she walked at the sidewalk of their village's road.

                         "Hay naku, kung dinadalasan mo kasi ang uwi dito para hindi ka inaabutan ng pag-uulyan. Hindi mo yata kasi ako namimiss kaya ka ganyan."

                         Napangiwi si Sheki dahil nagsimula na ang drama ng kanyang ina. Ang reklamo nito, hindi siya madalas nauuwi at mas gusto na raw niya ang malayo sa kanyang pamilya. Ayaw niya namang malayo sa kanila but she wanted to be independent. Malaki naman na siya – matanda, rather, at kaya na niyang alagaan ang sarili. Pero kahit nasa malayo ay bumabalik siya sa bahay nila dahil namimiss din niya ang kanyang pamilya. Ayon nga lang, minsan ay hindi niya nagagawang umuwi dahil natatambak naman ang istoryang ginagawa niya.

                      "'My, kaya nga ako uuwi ngayon ay dahil namimiss ko kayo." saad nya dito, pampalubag-loob.

                         "Kuuuu, wala ka lang kamong masulat. Kilala kita. Uuwi ka lang kapag wala kang magawa."

                          Lalo naman siyang nakonsensya. "Nako, 'my. Namiss ko ang luto niyo kaya bigla. Anong ulam natin diyan? Gutom na ako e." pag-iiba niya ng usapan.

                        "Chicken adobo."

                      "Wow, favorite ko 'yan."

                      "Lahat naman ng food, paborito mo basta libre."

                       "Hindi kaya, food na luto mo lang mommy ang favorite ko!"

                       "Kuu. Nambola pa. Bilisan mo na." Nagtagumpay naman siya na ibahin ang usapan kaya nakahinga na siya ng maluwag.

                       "Sige, 'My. Lapit na po ako diyan. Isang kanto nalang. See you."

                       Iyon lang at ibinaba na niya ang tawag. Nagpalinga-linga siya sa paligid para makita kung malapit na nga ba talaga siya. Mukhang matagal tagal na nga siyang hindi nauuwi dahil may mga bagong bahay na sa village nila. Tuloy ay hindi niya maiwasang malito.

                      "Saan na nga kasi ang bahay namin?" naiinis na tanong niya sa sarili. She's sure that she's almost there but still couldn't find it due to the changes. She heard her tummy growl.

                     "Gutom na talaga ako." reklamo niya.

                      "Bata, are you lost?"

                        Sheki heard but she didn't throw a glance to the one who talked behind her and continued searching for their house. Mukhang may batang naliligaw sa village nila at ngayon ay may tutulong dito na ihatid siya. Tutulong din sana siya kaya lang ay busy rin siya sa paghahanap ng bahay nila.

                    "Bata, tell me where you live and ihahatid kita."

                      The child stayed quiet.

                      Ang sungit naman ng bata na 'yon. Ihahatid na nga siya nung tao e."

                     Sheki continued searching for her own home when suddenly someone tap her shoulder.

Take One: My Grumpy Love Story (SheLice)Where stories live. Discover now