Chapter 46 ~ Gun Shot

75 2 0
                                    


Kheila POV




Bang!


Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang malakas na putok ng baril galing sa labas. Mukhang hindi lang ako ang nagulat dahil  nagkatitigan kaming tatlo nila Marcus at Cathlyn. Bumilis ang tibok ng puso ko dala ng pangamba.


"The direction of that gun shot came from the back of the school." mariin akong tinitigan ni Marcus without batting an eyelash na para bang may niluluto na naman siyang hindi maganda sa kanyang utak and I swear I have a bad feeling about it.


"Alam namin Marcus. May tenga din kami gaya mo noh." napailing na sabi ni Cathlyn.


" Let's go." Tinalikuran niya kami ni Cathlyn at ambang pupunta  sa may hagdan pababa ng building.


"And? are we supposed to go there? Ngayon na alam na naten na may mga armadong tao dun? Come on! it doesn't take a genius to figure out na delikado pumunta sa lugar kung saan nanggaling ang putok ng baril." nakakalimutan niya yata na dapat pa naming hanapin si Haynze at si Jonas.


"Hindi ako matalino pero I think may point si bes, Marcus!" Cathlyn pouted.


"Can the two of you please shut up for a minute and stop bitching about this? I wanna go there to assure that your friend's boyfriend and that prick are not the ones who are laying cold on their ass right now. Even if I want to go alone to check, I can't just leave the both of you here. Who knows baka atakahin pa kayo ng maggots while I'm gone  just like what happened a lot of times before..." pinandilatan niya ko while giving me that I-saved-your-ass-a-lot-of-times-so-you-should-listen look. " You should know this better than anyone Kheila.  and we still have that motherfvcker who killed that creepy girl to worry about.  Just come with me quietly unless you are really eager to die." Turan niya habang frustrated na nakatingin sakin.

"What if it's the same person?" Paano kung ang taong pumatay kay Yunika at ang taong pinanggalingan ng putok ng baril na yun ay iisa. Biglang naglaro sa isip ko ang imahe ni Haynze na mabilis na tumatakbo. Na naabutan siya ng creepy na lalaking yun at walang habas siyang binaril habang nakatalikod. My chest tightened at the thought.

"Then, the more reason we should confirm it"  Iba talaga ang logical thinking ng mga taong sobrang confident sa sarili.

"I second the motion." bulong ni Cathlyn. Bahagya siyang napatungo nang titigan ko siya ng masama.

"Fine! fine! I get it. Pero pag nasiguro naten na wala dun sila Haynze promise me Marcus na we will make a run for it. Natatakot ako sa gagawin naten." I sighed in defeat.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero nakita ko na saglit na gumuhit yung malumanay na ekspresyon sa mga mata niya. The same vulnerable  eyes that I saw that night under the cold moon light. Tumaas baba yung Adam's apple niya na para bang may gusto siyang sabihin at napipigilan ng hindi maipaliwanag na dahilan.

"Of course. I will not put your lives at risk again just because of my miscalculations" Napaiwas siya ng tingin. Probably out of guilt. Hanggang ngayon pala ay nagseself loathe padin siya. Pagkatapos niyang sabihin yun ay tuluyan na niya kaming tinalikuran. Sumunod naman kami ni Cathlyn.







Hell Zone High SchoolOnde histórias criam vida. Descubra agora