Chapter 37 ~ Dazed

1.2K 45 9
                                    

ZianaYvanov02







Cathlyn POV





Napadilat ako na parang umiikot yung mundo ko kaya hindi ko ma-distinguished kung gising ba ako o nananaginip lang. Sa hindi ko malaman na dahilan parang sobrang pagod na pagod yung mga mata ko. Dahil sa tuwing dumidilat ako ay kusang pumipikit ulet yung mga mata ko. At pakiramdam ko ang gaan gaan ng katawan ko na parang nakalutang lang ito sa ere.

Pamilyar saken ang pakiramdam na to. Ganitong ganito kasi yung pakiramdam ko nung first time kong uminom ng alak accidentally nung may loko loko na naglagay ng alak sa mga juice dispenser nung closing rite namen last year nang hindi namin alam. Pakiramdam ko sobra akong groggy.

Nung saglit na napadilat ako ulet ay nagtaka ako bigla. Anong nangyayari sa paningin ko. Bakit baliktad ang paligid? Ang nakikita ko lang ay ang baliktad na image ng paa ng taong naglalakad habang nakadikit sa likod niya yung ulo ko. Binubuhat niya ko na para bang isa lang akong sako ng bigas. Tulong!

Inuutusan ng isip ko yung katawan ko na kumawala sa pagkakabuhat niya sakin at tumakbo na palayo pero hindi ko magawa. Alam mo yung bigla nalang magki-kick in yung instinct mo na nagsasabi sayo na nasa panganib ka? Ganon yung naramdaman ko ng mga sandaling yon. Hindi ko maigalaw miski na yung dulo ng mga daliri ko. Namamanhid ang buong katawan ko at medyo nahihirapan din akong huminga.

Napapikit akong muli nung nakaramdam ako ng kirot sa may bandang sentido ko at unti unti nakong nagpadala sa antok. Then everything went black.

Dahan dahan kong idinilat yung mga mata ko. Iniangat ko yung mukha ko mula sa pagkakayuko. Ouch! Sumakit yung batok ko dun a. Gano katagal naba akong nakayuko? >.<

Bumulaga saken yung puting ilaw na sobrang liwanag. Huhu patay naba ako? Nakikita ko na ang liwanag!

"Hindi! Hindi ako sasama sayo! Kaylangan pa ko ng bestfriend ko lumayo ka sakin! Huhuhu!" Pagmamakaaawa ko dun sa puting ilaw para lang layuan niya ko.

Nagpumiglas ako para sana makalayo sa liwanag nung maramdaman ko yung sarili ko na nakatali sa isang upuan. Nung humupa na ng konti yung panic attack ko dahil sa kuryusidad ay unti unti kong inobserbahan yung paligid. Nandito ako sa isang puting kwarto na may malaking salamin. Katulad ito nung mga interrogation room na napapanood ko dati sa TV kapag may gustong paaminin ang mga pulis na kriminal. At sa gitna ay isang lamesa. So, hindi pa pala ako patay? Thanks God!

Huhu masyado yata akong nag freaked out dahil sa puting ilaw na nakabitin sa kisame. Sino ba naman kasi ang hindi matataranta kung halos konti nalang nakadikit na yun sa mukha ko.

Bukod sa mahigpit na taling nakapalibot sa tyan ko ay nakatali din yung mga kamay at mga paa ko. Ni hindi ako makatayo dahil pati yata yung upuan ay nakadikit din sa sahig. Ano kaya yung ginamit nilang pandikit? Mighty bond kaya o superglue? Anyways gusto ko nang tumakbo. T.T

Sinubukan kong alalahanin ang lahat ng nangyari at kung bakit ako nandito. Habang tumataas baba yung dibdib ko sa sobrang kaba. Ano nga ba ang nangyari? Paano ako nakarating dito?

Naglalakad kami ni Jonas...

Bigla siyang nawala...

Tapos may lumitaw na lalaki...

Napapikit ako.

Yung lalaki! Siya... siya ang pumatay sa mama ko! Siya yung demonyo sa mga bangungot ko.

May matapang na gamot sa panyo. Pilit niya yung pinasinghot sakin. Then everthing shut down.

Naaalala ko na. He drugged me. That son of a demon!

"TULOOOOOOOONG!" Nilakasan ko yung pagsigaw ko.

Is he after me? Hindi pa ba siya nakuntento nung pinatay niya yung mama ko at pati ako gusto niya ding patayin? Siya kaya ang pumatay kay Yunika? Hindi na yon nakapagtataka mas malala pa siya sa mga halimaw na yon!

Nasan na si Jonas? Ano kaya ang ginawa ng hayup na lalaking yon sakanya? Pano pag nakita ng lalaking yon yung mga kaybigan ko? Hindi na kami makakaalis dito. Or worst baka patayin niya kaming lahat tulad nung ginawa niya sa mama ko at kay Yunika. Kaylangan ko silang balaan!

"Tulooooooong! Tulungan niyo ko pleaaaaase!" Kahit na maubos yung boses at lakas ko para lang makaalis dito gagawin ko. Mabalaan ko lang sila sa nangyayari ngayon.

Pero instead na makakuha ako ng respond sa paghingi ko ng tulong ay nage echo lang yung boses ko sa buong kwarto.

Cathlyn pwede ba tumigil kana sa pag iyak huhu hindi naman kasi nakakatulong eh! nakatali ka padin. T__T

"C-Cath don't waste your effort."

Nakadinig ako ng pamilyar na raspy voice mula sa likudan ko.

"J-jonas... ikaw ba yan?" Nanginginig na yung boses ko sa nerbiyos at pagod.

"Stop shouting dahil hindi naren nila tayo maririnig. Soundproof ang kwartong to." Nadinig kong napaubo siya pagtapos niyang sabihin yon at hirap na hirap siya sa pagsasalita. Ano ba kasing nangyare sakanya? Ayos lang kaya siya? T__T

"Jonas anong nangyare sayo?"

Hindi ko siya magawang lingunin dahil sa pwesto ko. Kaya hindi ko makita kung okay lang yung lagay niya. I wonder kung magkatalikod kami sa isa't-isa.

*cough* *cough*

"Yung gagong yun... may alam siya."

"Sino ba kasi yung tinutukoy mo tsaka ano bang nangyare sayo? Ayos ka lang ba ha!"

"Cath pinaglaruan lang nila tayo. Hindi na tayo makakaalis dito! Matutulad lang tayo sa iba pa. Cath! Hindi na tayo makakaalis!" May namumuong lump na naman sa lalamunan ko dahil sa desperasyon sa boses ni Jonas. Nakakawala ng pag asa lalo pa at humahagulgol na siya. Parang baliktad ako dapat yon a.

"Jonas may sasabihin sana ako sayo..." hindi ko alam kung anong pumasok sa kukute ko at nasasabi ko to. Pero tutal mamamatay nadin naman kami mas mabuti siguro kung sabihin ko naren sakanya.

"Ano kasi---" Nagulat ako sa biglang pagbukas nung pinto.

"Well well well gising na pala kayo! Did you guys had a good night sleep? Uhmm you know what there's no need to answer that coz obviously you didn't haha."

Halos umakyat lahat ng dugo ko sa katawan sa mukha ko. Dahil sa babaeng nakaupo ngayon sa may lamesa sa harapan ko.

Naikuyom ko nalang yung kamay ko sa sobrang galit nung marinig ko yung malademonyita niyang tawa.

"Beah! Anong ibig sabihin neto! Pakawalan mo kami dito!" 








Salamat po sa mga hindi padin bumibitaw at curios sa magiging ending ng story nato. Mapasilent o loud reader man. Kamsa :)



Hell Zone High SchoolWo Geschichten leben. Entdecke jetzt