Chapter 8 ~ Untitled

4.2K 146 6
                                    


Kheila POV

Kanina pa ako hindi mapalagay at pabalik-balik na naglalakad. Ano na kaya ang nangyari sa kanila? Sana okay lang sila dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa aming natira kung ang mga pumuprotekta sa amin ay mawawala pa.

Tsaka ang unfair naman yata na kung kailan naging close na kami ni Haynze ay saka pa mauudlot ang love story naming dalawa. At yan pa talaga ang naging concern mo hah? Dapat talaga bawas-bawasan ko na ang pakikipag-usap ko sa sarili ko. Miski ako nawe-weirduhan narin to my own self. Siyempre idamay na rin yung dalawang ungas dahil kahit paano ay napalapit narin sakin ang dalawang yun. I don't wanna lose them kahit na saglit pa lang kaming nagkakasama.

"Kheila umupo ka nga kanina pa ako nahihilo sayo eh." sita sakin ni Cathlyn. Pero hindi ko siya pinansin. Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.

"Sige wag kang tumigil diyan... kapag nagkagulo at lumipat na naman tayo wala ka nang energy para tumakbo." naiinis ako dahil tama siya. Nakasimangot akong nag-indian sit katabi niya. Kanina pa ako napa-paranoid. Angtagal naman nila?

Para na kaming illegal alien sa sarili naming school. Wala na kaming stable na mapagtataguan. Lukot-lukot na ang mga suot namin at mas haggard pa sa kalabaw na pinag-araro ng buong araw. Hindi ko na maramdaman ang gutom dahil mas iniisip ko kung ano na ang nangyari sa kanila. Napatingin ako kay Beah na nakasimangot at nakapangalumbaba lang sa isang sulok, sa kabilang side naman ay ang nakaupong si Brix habang nakasandal sa pader at nakatingala. Hindi ko alam kung nagdadasal ba siya o nag-iisip kung sa paanong paraan kami mamatay?

"Bes hindi kaya may nangyari na sa kanila?" tanong ko sa kaibigan ko. "Bes magtiwala ka nga. I'm sure kaya nila yun." pilit niyang pinapagaan ang loob ko pero ayokong magpaka kampante dahil pwedeng sa mga sandaling ito habang nakaupo kami ngayon dito at matiyagang naghihintay ay nilalantakan na ng mga panget na yun ang mga body parts nila.

Halos kalahating oras na sila sa labas. I hope tama si Cathlyn... sana makahingi na nga sila ng tulong dahil baka takasan na ako ng katinuan kapag nagtagal pa kami dito.

Sila nalang ang huling pag-asa namin kaya sana hindi sila mabigo. Ipinatong ko ang baba ko sa tuhod ko habang yakap-yakap ang sarili. Naghihintay sa pagbabalik nila at umaasang maririnig ang mga salitang "okay na ang lahat."

Habang lutang ang utak ko sa dami ng mga posibilidad na pumapasok sa utak ko may biglang kumatok sa pinto. Sabay-sabay kaming tumayo at nagkatinginan.

"Baka sila na yan." pabulong na sabi ni Brix. Ayaw nila tumigil sa pagkatok... siguro ay may humahabol sa kanila. Tumingin ako kay Brix for permission at tumango lang siya sa akin. Kabado kong binuksan ng unti-unti ang pintuan. Nakakangilo ang nakakainis na paglagitnit nito. Nakatayo lang sa likuran ko ang mga kasama ko at seryosong nakatingin sakin na lalong nagpapadagdag sa kabang nararamdaman ko.

Nasisilayan ko na ang labas pero wala akong makita. Inilibot ko ang paningin ko para hanapin kung nasaan na sila. Halos atakihin ako sa puso dahil biglang sumilip ang dating panot kong teacher na ngayon ay isa na ring halimaw. "AHHHHH!" I screamed on top of my lungs. May mga kasama pa siya at hindi ako sigurado kung ilan sila.

Pilit nilang tinutulak ang pinto para makapasok. Hinarang ko agad ang sarili ko para mapigilan sila pero anglakas nila at hindi ko ito kaya mag-isa. "Waaaaaah! Hindi sila 'to. Tulungan niyo ko. Hindi sila ang nasa pinto!" Tumakbo silang lahat at tinulungan akong pigilan ang pagbukas ng pinto. May isang kamay na ng zombie ang nakapasok at pilit kaming inaabot. "Shit!" Sigaw ni Cathlyn.

"Cath! Kumuha ka ng kutsilyo sa kitchen. Hindi ko na kayang pigilan 'to!" Hirap na pakiusap ni Brix. Tumakbo ng mabilis patungong kitchen si Cathlyn. Hindi na kami magkandaugagang tatlo dahil sa lakas ng pwersa na tumutulak sa pinto. Jusko! I'm too young to die. Wala akong balak na maging flesh-thirst monster for God's sake. Nakabalik na si Cathlyn at inabot ang kutsilyo kay Brix.

Hell Zone High SchoolWhere stories live. Discover now