Chapter 42 ~ Deja vu

378 13 5
                                    


Cathlyn POV


"Jonas! Kaylangan nating makatakas dito. Dalian mo bago pa siya bumalik!."

"Kaylangan nating tulungan si Haynze."

Sinubukan ko ulit kalasin yung tali sa kamay ko. Pinilit Kong igalaw galaw yung wrist ko kahit masakit at ramdam ko na yung pagbaon ng magaspang na tali sa bawat pagpihit ko sa kamay ko, pero diko na ito ininda at  ipinagpatuloy nalang ang ginagawa ko dahil mas mabuti na ito kesa sa wala. Sa bawat segundong nawawala mas lalong nanganganib ang buhay ni Haynze. Kung hindi ako nagkakamali medyo humihinga pa siya nung kunin siya nung lalaki kanina.

Hindi ko na maramdaman ang mabigat na paghinga ni Jonas sa likod ko. Tahimik lang siya at walang kibo. Sa tingin ko nawawalan na siya ng pag asa mabuhay. Lalo na at anytime pwedeng mawala ang best friend niya.

"Jonas. Please subukan mong makawala kahit ikaw man lang matulungan mo si Haynze." Partly nakokonsenya ako kasi kami ang dahilan kung bakit nahuli si Haynze ng baliw na lalaking yun. Kung hindi niya sana kami sinubukan iligtas sana nasa mabuti siyang kalagayan ngayon. Nung wala parin akong maramdaman na respond galing kay Jonas ay bahagya kong binangga yung balikat ko sa gilid nung  likod niya pero wala parin. Kung hindi man kami mapapatay ng mga zombies at nung psycho na yun malamang matinding anxiety ang papatay sakin. Hindi nakakatulong na nakaharap sa pintuan yung kinauupuan ko. Kahit anong oras ay pwedeng mapadali ang buhay ko with two options pa. Dahil pwedeng maging katapusan na namin once na may pumasok pa ulit sa pintong to. Either yung killer o yung zombies. Haaay parang gusto ko nalang sumabog at magsabi ng masasamang words.

Anghapdi na ng kamay ko kaya tinigil ko naren ang attempt sa pag alis ng tali. Nakatulala nalang ako sa pinto. Siguro iisipin niyo na tinanggap ko nalang ang masaklap na magiging kapalaran ko at ready naren ako mamatay and all pero HINDI. Nasa ganito na akong  state of calmness dahil alam ko na wala nakong magagawa at huli na ang lahat para samin ni Jonas. Bakit ba kasi siya pa ang nakasama ko dito ni hindi niya ako magawang iligtas para mabayaran niya man lang yung ginawa kong pagligtas sa kanya nung araw na muntik na siyang lapain nung zombitch niyang ka hook up.
Dear lord I repent my sins. I really do. Promise pag nakaligtas ako dito magpapakabanal nako. Iligtas niyo lang ako at ang duwag nato.

I'm just a weak and vulnerable girl na naipit sa gitna ng kalunus lunos na sitwasyon nato. Nakatulala ako dahil mukhang tinakasan na ng bait yung kasama ko at I'm running out of options to actually escape. Try ko kaya magmeditate? baka sakaling makapagteleport ako. Chos. Oh God! Did I just say that? Parang malapit naren ako masiraan. Diko namalayan na napapikit na pala ko dahil sa antok. Ilang minuto after ko pumikit naramdaman ko na may kumakalas ng tali sa likuran ko pero hindi yung tali sa kamay ko, kundi yung tali sa kamay  ni Jonas.

"Marcus? Ikaw ba yan?"

Ibinaling ko yung ulo ko sa side para tanawin yung mukha ng taong tumutulong samin  pero pinagsisihan ko rin agad yung ginawa ko nung makita ko yung nakakatakot niyang ngiti.

"Anong g-ginagawa mo sakanya?! San mo siya dadalhin?!"

Hinila niya si Jonas ng matumba ito sa may paanan ko.  Parang nakaramdam ako ng deja vu. Nangyari nato kanina kay Hayze. Natulala ako nung makita ko yung nakakaawang hitsura niya. Magang maga yung isang mata niya at halos hindi na niya ito maidilat. Puro pasa yung mukha niya.  Napaubo siya ng mahina nung sinipa siya sa sikmura ng lalaki. This is torture. Gusto kong makawala dito sa upuan ko at kagatin yung braso ng lalaki para tigilan na niya ang pagpapahirap niya kay Jonas.

"Get up! You bastard." Nilakasan niya pa lalo yung pagtadyak niya sa parang gulay na katawan ni Jonas.

"Please tigilan mo na siya! Wala siyang ginagawang masama! Hindi na siya lumalaban!"

Hell Zone High SchoolDonde viven las historias. Descúbrelo ahora