Chapter 35 ~ Untitled

1.3K 47 12
                                    

UnknownK3U


Kheila POV





Tip tap tip tap

Yun ang tunog ng yabag ng paa ko na parang walang pakialam sa paligid. Walang pakialam kung sakaling may maggot na makakarinig dahil sa guilt at galit.

Ako ba ang may kasalanan kung bakit nangyayari to?

Dapat ba hindi nalang ako nagsalita at nanahimik nalang ako?

Pero kung nanahimik nalang ako baka hindi na natapos ang pagdidiskusyon nila at mauwi pa sa mas malalang gulo. Argh! Bakit ba kasi napaka-childish niya! Samantalang hindi lang naman siya ang pinagsabihan ko. Kundi pati naren si Haynze!

Bwiset siya! Damulag na napaka-butthurt pa din. Nakakagigil!

Eeh... bakit ko nga ba siya sinundan? Angtanga ko din eh. Anong klaseng alagad ni poncho pilato ba ang sumapi sakin at itinataya ko ang buhay ko ngayon para lang mahanap yung damulag na butthurt na yun?

Eh kung tutuusin mas kaya niyang protektahan ang sarili niya kaysa sakin? Gah! Kheila saan na napunta ang utak mo?

Kanina pa ako paikot ikot sa loob ng building nato at nacheck ko na halos lahat ng kwarto pero wala akong nakitang blondyng parang cyberian husky kung makatingin. Bukod sa mga rotting entities na nakasalubong ko. Siguro nga mabait pa din ang tadhana dahil puro weakling na mga zombie yung naka encounter ko. Pero hindi ako pwedeng magpaka kampante. Maaring sa susunod ay hindi nako swertehin.

Kapag na-infect ako ang ungas na yun talaga ang uunahin ko. Ipupulupot ko sa leeg niya ang large intestines niya pagtapos kong kainin ang mga edible parts sa katawan niya. Kung meron nga. Tss. -__-

Kung tutuusin masyado nakong mabait para gawin to... ang hanapin ang taong gusto nang magpatiwakal. Ano bang pinaglalaban ko?

Naalala ko bigla yung mga pagkakataon na niligtas niya ko nung maipit yung kamay ko sa bintana at binuhat niya ko. Nung nagkaroon kami ng first formal talk nung gabing umiyak at nakatulog siya sa may hita ko. Pati nadin nung nagkaron siya ng sugat sa ulo dahil sa pagkuha niya ng gamot kasama si Haynze nung nagkasakit ako.

Argh! Bakit ganito?! Pati yung utak ko against sa sinasabi ng instinct ko na hayaan ko nalang ang ungas na yun!

Fine. Nandito naren naman ako. Hahanapin ko na siya. Pero siguradong nagaalala naren sina Cathlyn. Ayy! Bahala na!

Pano ko ba hahanapin ang ungas na yun. Kung sobrang clueless ako kung nasaan siya? Kaylangan kong magisip kung pano siya magisip para matukoy ko kung sang lugar siya pwedeng pumunta. Para hindi naren masayang ang lakas ko sa paglakad dahil kanina ko pa yun ginagawa.

Hmm... let's see. Kung isa akong butthurt, selfish, at suicidal na ungas... saan kaya ako pwedeng magpunta?

Isip Kheila. Isip.

Gah! Anghirap! Mas mahirap pa yata sa pinagsamang algebra at trigonometry ang malaman kung anong tumatakbo sa isip niya. >.<

Napatigil ako sa paglalakad nung mapadaan ako sa tapat ng mini chapel. Nakalagpas nako ng konti sa pinto pero kinutuban ako sa saglit na naaninag ko pagkadaan ko kanina sa may tapat nito.

Hell Zone High SchoolOnde histórias criam vida. Descubra agora