Chapter 11

27.4K 655 76
                                    


First Kiss

Akala ko hanggang doon na lang ang gagawin namin. Pero si boss ay naglabas pa ng cake, may dalang regalo at nilagyan pa ako ng party hat tulad ng kaniya.

Mukha kaming bata.

"Happy birthday to you~ Happy birthday to you~ happy birthday, happy birthday... Happy birthday to you..."

Kinakanta niya 'to habang naglalakad palapit sa 'kin dala ang cake. May sindi na rin ang kandila sa gitna nito. Pareho kaming naka-party hat na hindi ko alam kung saan niya kinuha. Pero ang ganda pala ng boses n'ya kapag kumakanta.

Mas magarbo naman 'yong hinanda ni tita sa bahay pero bakit mas parang naiiyak pa ako sa ginawa ng boss ko? Sa simpleng ganito ay na-touched ako. Siguro dahil ganito ang taon-taon kong nakasanayan kasama ang pamilya ko. Ganito namin i-celebrate ang birthday ko sa amin. Simple, kami lang pero ramdam ko ang saya at pagmamahal.

Tumigil ito sa harap ko at ngumiti sa 'kin.

"Make a wish, Belle," mahinang saad nito.

Pumikit ako habang magkadaop ang aking mga palad.

Sana dumating ang panahon na hindi ko na kailangan lumayo sa pamilya ko para mabuhay. At sana magtagal ako sa trabaho ko kasama ang boss kong ito.

Sa pagmulat ko ay naabutan kong titig na titig sa 'kin si boss. Seryoso itong nakatingin sa 'kin kaya nginitian ko siya. Ngumiti naman ito pabalik kaya hinipan ko na ang kandila.

"Salamat, boss!"

"Lucas, Belle."

"Sorry. Salamat... L-Lucas."

Hindi talaga ako komportableng tawagin s'ya sa pangalan n'ya.

"All for you. Wait... Come here."

Tumingin ito sa kaniyang relo at hinila ako sa puwesto namin kanina kung saan kita ang ilaw ng bayan. Tumayo kami sa bakod na ipinagtaka ko.

"A-Anong gagawin natin—"

Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ay namangha na ako sa ganda ng langit kahit gabi. Iba't-ibang kulay ng paputok ang nagpapaliwanag ng madilim na langit. Daig pa ang new year sa ganda. Nakangiti lamang ako hanggang sa matapos ito. Wala akong ibang nasabi kung hindi...

"Ang ganda..." wala sa sarili kong saad habang namamangha sa nakikita.

"Parang ikaw..."

Napabaling ang ulo ko sa gawi ni Lucas na nakangiting nakatingin sa 'kin. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa 'kin. Itinaas ang kan'yang mga kamay at hinawakan ang aking pisngi. Nakatitig lamang ako sa kan'yang magagandang mga mata.

"Happy birthday, My Belle. I wish you all the best because you deserve the best." Mahina at malambing nitong saad. "You're like a star, who catches my attention because of its sparkling beauty. And a moon, who can shine alone even in the middle of the rain."

Ang sarap sa tainga ng kaniyang boses kapag ganito kalambing. Para s'yang ibang tao. Parang ibang tao ang kaharap ko ngayon.

Unti-unting lumalapit ang mukha nito sa mukha ko. Hindi ako makagalaw at hindi ko rin alam ang gagawin. Bago pa man ako makapag-isip nang dapat gagawin ay lumapat na ang kaniyang labi sa labi ko.

Nakapikit ito habang ako ay gulat na gulat sa kaniyang ginawa.

My first kiss! Ninakaw ng boss ko! Pangarap ko pa naman 'yong romantic ang magiging first ko sa lahat. Jusme, boss!

Akala ko aalis na s'ya matapos maglapat ng mga labi namin. Pero nagkamali na naman ako. Iginalaw pa niya ito nang marahan. Hindi ko alam ang gagawin! Hindi ako marunong!

Inosente Series #1: Stolen Innocence✔️Where stories live. Discover now