Chapter Twenty Four

163 10 3
                                    


Nasa loob ng isang van si Niko kasama sina Oddy, Gav, Rei, Hugo, Owen, Harry, Prick, Zach at Vane na siyang driver nila. Patungo sila ngayon sa Mansion ng mga Ezquivel.

Limang araw na ang nakararaan nang umalis siya sa isla ni Harry at agad na nakipag-kita kay Oddy at sa iba pang myembro ng ZECOND. Pinag-usapan nila ang tungkol sa dapat nilang gawin kay Don Eman at ang panganay nitong anak na si Izrael.

Si Lark ang naging mata nila sa loob ng Mansion kaya't ilang araw din ito bago tuluyang nakabalik. Si Lark ang siyang nagsabi sa kanila ng pasikot-sikot sa Mansion habang si Zach naman ang nag-hack ng buong system.

Napag-alaman din nila na ang kumpanyang Clothing Company ni Don Eman ay palabas lamang dahil ang mga damit na ipinapadala sa ibang bansa ay may mga lamang pakete ng iba't ibang ipinagbabawal na gamot. Nagawa nila iyong itago sa mga damit nang sa gayon ay walang makahuli.

"What do you have in mind, Balthazar?" Tanong ni Oddy na naka-upo sa kaniyang tabi lamang.

"Nothing." Maikli niyang sagot at walang emosyong tumingin sa harap.

Sa totoo lang ay maraming tumatakbo sa kaniyang isipan. Bukod sa mga naiisip niyang gawin kay Don Eman, ang inaalala niya pa ay ang kaniyang fighting skills. Matagal na rin na panahon nang siya ay sumabak sa isang labanan. Hindi niya alam kung hanggang ngayon ay dala-dala niya pa rin ang mga iyon. Naging focus kasi siya sa pagluluto at sa kaniyang Restaurant nitong mga nakaraang taon. Tahimik at mapayapa ang buhay niya nang dumating si Sundrea upang paingayin ito.

Tinapik ni Oddy ang braso niya. "Relax, Balthazar. It's not the first time you do this with us."

Hindi na lamang siya sumagot. Hanga talaga siya kay Oddy dahil sa makilatis nitong pag-uusisa sa nararamdaman ng bawat tao. Magaling din itong mamuno kaya't ito ang napiling maging pinunuo ng samahang ito.

Sa totoo'y dapat isa rin siya sa myembro ng ZECOND ngunit umalis siya matapos balikan ng nakalaban niya ang kaniyang kapatid na babae. Aniya, mas gugustuhin niyang maging mapayapa ang buhay niya kaysa masabak sa labanan. Hindi niya kakayaning may mangyaring masama sa kaniyang pamilya kaya't umalis siya. Naintindihan naman iyon ni Oddy ngunit pinanatili pa rin siyang tila kasama sa mga ito.

Nakakuyom ang kaniyang kamao habang nasa byahe. Nagngingitngit din sa galit ang kaniyang mga ngipin. Dito pa lang ay nai-imagine niya na ang dapat na gawin sa matandang iyon.

Nag-vibrate ang phone niya. Kaniya itong kinuha mula sa bulsa at sinagot ang tawag ng Unknown Number.

"Who's this?" Seryosong bungad niya, wala siya sa mood na bumati ng maganda ngayon.

[Hi, you don't need to know me.]

Kumunot ang noo niya. Boses babae iyon, ngunit maliit. Sino ito?

"Then I'll hang up-"

[Hindi niyo sila kaya.]

Natigilan siya. "What do you mean?"

[Just go back to where you belong and live peacefully with that woman.]

Napaupo siya ng maayos at naalarma sa sinabi nito. Napatingin si Oddy at Owen sa kaniya, nagawa pa nga siyang tanungin ni Harry ngunit hindi niya ito sinagot.

"Why would I do that? Hindi mo ako utusan."

[I know... But this is for your safety and also for the other men inside that van.]

Mas lalo siyang naalarma at pinagmasdan ang labas ng Van. Kinutuban siya ng masama. Kung ganoon, nasa paligid lamang ang babaeng ito.

"Who are you? What do you want?"

Her Lust MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon