Chapter Twenty Seven

178 9 6
                                    


Iminulat ni Sundrea ang mga mata ngunit agad niya ring ipinikit ng mariin nang maramdaman ang pananakit ng ulo. Hinilot niya ang sintido bago bumangon mula sa malambot na kama.

Unti-unti niyang idinilat ang mga mata nang makapag-adjust sa liwanag na dala ng ilaw. Her eyes widened in surprise when she realized she's inside her room in Ezquivel's Mansion.

Mabilis siyang bumangon kahit na mahilo-hilo pa. Kahit kamuntikan ng madapa ay tinakbo niya ang distansya ng pintuan. Hinawakan niya ang doorknob at pinihit iyon ngunit hindi iyon nagbukas.

Nangunot ang kaniyang noo lalo na nang maalaman na bago na rin ang kaniyang doorknob. Muli niya itong pinihit ngunit hindi iyon nagbukas.

"Buksan niyo ang pinto!" Sigaw niya nang malakas.

Pinukpok niya ang pinto at pinagtatadyakan ngunit walang nangyari. Nanatiling tahimik ang labas ng kaniyang silid.

Nagtungo siya sa kaniyang drawer at nagbaka-sakaling makahanap ng susi, hinalungkat niya na rin ang mga gamit niya ngunit wala pa rin siyang nakita. Inis niyang pinaghahagis ang gamit bago inikot ang paningin sa paligid. Nakita niya ang isang kahoy na bangkuan, agad niya itong kinuha at inihagis sa pinto ngunit wala pa ring nangyari.

Kumuyom ang kamao niya at tinignan ang bintana. Naikagat niya ang ibabang labi nang maging iyon ay nagbago, nagkaroon na ito ng harang upang hindi niya rin magamit sa pagtakas niya.

Sumigaw siya ng pagkalakas-lakas bago pasalampak na umupo sa sahig. Naluha siya sa isiping naririto na naman siya sa puder ng taong kinasusuklaman niya. Talaga bang kahit saan siya magpunta ay matutunton siya nito?

Sumagi sa isipan niya si Niko dahilan para mapaluha siya. Pinagsabihan na siya ng lalaki ngunit heto at sinunod niya pa rin ang kagustuhan. Ngunit ang inaalala niya ay ang kalagayan nito. Wala siyang balita sa lalaki, hindi niya alam kung nasa maayos itong kalagayan.

Hindi niya alam kung ilang oras siyang humagulgol. Alam niyang maga na ang kaniyang mata sa kaiiyak ngunit hindi siya tumigil.

Mabilis na nag-angat siya ng tingin nang marinig ang pagbukas ng pinto. Napatayo pa siya mula sa pagkakasalampak. Bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mukha ng kaniyang ina. Bakas sa mukha nito ang habag lalo na nang makita siya.

"Mom!" Sabik niyang sigaw at agad itong sinugod nang isang mahigpit na yakap.

Her mother sobbed. "I'm sorry, Sunry... I'm sorry..."

Humiwalay siya sa pagkakayakap. "Why are you saying sorry, Mom?"

Lumibot ang mata nito sa mukha niya. Itinaas nito ang kamay upang haplusin ang kaniyang pisngi bago ilagay ang natirang hibla ng buhok sa mukha sa likod ng kaniyang tainga.

"Patawad, anak. Hindi ko alam ang sasabihin bukod sa sorry. H-hindi ko... Wala akong alam..." Humikbi ito nang malakas at muli siyang niyakap.

"W-what are you saying, Mom?" Nalilito niyang saad bagamat ibinalik din ang yakap nito.

"A-alam ko na lahat. I now know the truth..." Humahagulgol nitong saad dahilan ng paggulantang niya. "Why didn't you tell it to me sooner, anak? S-sana, may nagawa ang Mommy..."

Kumibot ang kaniyang mga labi bago umalpas doon ang malakas na paghagulgol. Para siyang batang naka-lingkis sa kaniyang ina nang mga oras na iyon. Walang ibang lumabas sa kaniyang bibig kun'di ang malakas na paghikbi.

"Mom, Ate, we need to leave!" Sigaw ng boses mula sa pinto, it's Sion. "I think Don Eman will come here any minute by now!"

Agad siyang binitiwan ni Simone mula sa pagkakayakap bago nito pinunasan ang mga luha. "Right, I almost forgot. Let's go."

Her Lust MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon