Chapter Twenty Five

168 11 1
                                    


Lahat sila ay nasa waiting area sa labas ng Emergency Room ng ospital. May sugat at mga pasa mang natamo ngunit hindi sila pumayag na magpagamot at hinintay na muna ang resulta ng kalagayan ngayon ni Rei.

Nanginginig ngayon ang mga kamay ni Niko habang tahimik na sinisisi ang sarili. Dinala niya ang mga kaibigan sa peligro, hindi niya akalaing magiging ganito ang kahihinatnan ng kanilang plano.

"Calm down, Balthazar. I know Santiago will survive. I know him." Saad ni Oddy na pinatatag ang boses ngunit naroon pa rin ang bahagyang panginginig.

Ikinuyom niya ang kamao at minata si Prick na tahimik lang ding nakasandal sa pader, nasa loob ng bulsa ang dalawang kamay at nakayuko ang ulo. Napansin nito ang mga titig niya dahilan para mag-angat ito ng tingin at magtama ang kanilang mga mata.

"Explain to us what's the White and Black Chess, Prick, because I can't fucking understand!" Mariin niyang saad habang nagngingitngit ang ngipin.

Bumuntong-hininga naman ito. "I can only tell you the small details, Finn, but more than that... no. I can't risk your lives."

Galit siyang napatayo dahilan para ma-alarma ang kanilang mga kasama. "Why? Why won't you tell us the whole details, Prick?! Are you betraying us now?!"

Agad namang pumagitna si Gav sa kanila. "Calm down, Finn. Hindi mo kailangang manisi. Prick has his own reasons and it's our lives. White and
Black Chess are dangerous... more than what we thought."

Natahimik naman siya roon at muling bumalik sa pagkaka-upo. Saglit siyang nawala sa sarili. Nagawa niya tuloy mag-akala at mag-isip ng masama.

Sabay-sabay silang napatayo nang magbukas ang ER at lumabas ang isang lalaking Doktor na si Kiohen Bolivar.

"How's Andrei, Doc?" Tanong ni Hugo at bakas ang kaba sa boses nito.

"Minor gunshot wound lang ang natamo niya, we remove the bullet but he lost so much blood so he needs to be given a blood transfusion." Saad nito.

Nagsitaasan ng kamay sina Owen, Hugo, Harry, Zach at Vane. Walang pag-aalinlangan niya ring itinaas ang kamay upang sabihing handa silang gawin ang nararapat upang mabigyan ng dugo si Rei.

Tumango si Kio. "Okay. The nurse will assist you to check your blood types. If you may, excuse me."

Inasikaso sila ng mga nurse upang i-check ang kanilang mga blood types. Sa huli ay si Vane lang ang tumugma sa blood type rin ni Rei. Tahimik na lamang silang naghintay at pilit na tinanggihan ang mga nurse na bigyang lunas din ang kanilang mga sugat.

Dahil hindi makayanan ang bugso ng damdamin, umalis siya at mas piniling mapag-isa. Wala sa sariling naglakad siya at hindi alam ang patutunguhan.

May sugat sa kilay at labi samantalang may mga pasa sa pisngi at sa ibang bahagi ng kaniyang katawan. Hindi niya inalintana ang kirot na hatid niyon bagkus ay tila nais niya pang bugbugin ang sarili dahil sa pagsisisi.

Nasa ganoon siyang tagpo nang isang puting Van ang huminto sa gilid niya. Hindi na sana niya iyon papansinin ngunit nagbukas iyon at hinila siya papasok. Hindi na siya nakapiglas pa sa gulat at tuluyang nakapasok sa Van.

Sumalubong sa kaniya ang mga kalalakihang malalaki ang katawan. Isang malakas na bagay ang dumapo sa kaniyang batok dahilan para siya'y mawalan ng malay.

Nagising si Niko nang buhusan siya ng malamig na tubig. Naalimpungatan siya at agad na napatayo mula sa pagkakahiga sa malamig na sahig.

Pupungas-pungas niyang idinilat ang mga mata hanggang sa maaninag niya ang isang maliit na bulto. Maliit dahil mukha iyong bata na maikli ang buhok. Naka-upo ito sa single couch habang ang mga mata ay nakatuon sa kaniya na tila inaabangan din ang paggising niya.

Her Lust MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon