Chapter 2

272 7 0
                                    

Pagka-gising ko ay nag-simula na akong mag-impake dahil ngayon ako pupunta sa penthouse ni Ace.

Hinanap ko ang malaking bag ko at nag-simulang mag-impake.

Puro pambahay at kaunting pang-alis lang ang dinala ko kasama ang mga important things like slippers, lotion and perfume.

Bago ako bumaba ay itinago ko muna sa drawer nang table ko ang brown envelope para safe ito at hindi nila makita.

Pagkababa ko ay nag-paalam muna ako kay Mommy na aalis na dahil kanina pa ako ginugulo ni Ace sa text.

"Mag-ingat ka, Zyrill Jane. Bumalik kayo dito mamaya ni Zane Janette bago umuwi ang Daddy nyo" sabi ni Mommy at nakipag-beso pa.

Naalala kong sa condo nya din pala naka-tira si Zane.

"Opo, My. Una na po ako kasi hinahanap na nya ako" sabi ko at ngumiti bago lumabas nang bahay.

Kahit sobrang init ay naka-lugay pa rin ang mid-length kong buhok dahil ayaw kong makita nila ang katangahang ginawa ko.

Nagpa-tattoo ako nang Ace of Spade dahil sa ka-obsess-an ko kay Ace bago ko sya binasted pero ayaw ko itong ipabura dahil wala pa naman nakaka-alam.

Nag-maneho na ako papunta sa penthouse ni Ace habang nagmu-mura sa isipan ko.

Habang nasa daan ay iniisip ko pa din kung ang katangahang ginawa ko sa pamamagitan nang pag-pirma sa marriage certificate na 'yun.

Pagkarating ko ay agad kong ibinagsak ang bag ko at umupo sa sofa.

"Hi, Wife! So, you're gonna sleep with me in my room dahil dalawa lang ang kwarto sa penthouse ko at ang isang kwarto ay study and music room" sabi nya at irap lang ang naging sagot ko.

"Lagyan mo lang nang harang ang pagitan natin sa kama dahil hindi ako sanay nang may katabi o sa sofa na lang ako matutulog" sabi ko at kumportableng sumandal sa sofa.

"Ok. By the way, meron akong womens product na binili kanina for you like body wash, shampoo and kung ano-ano pa" sabi nya at umupo sa tabi ko.

"Lumayo ka" sabi ko pero hindi sya kumibo bagkus ay lumapit sya sa akin.

"Zy, pagkatapos nang kasalan ay honeymoon ang kasunod" bulong nya kaya agad akong napa-tingin sa kanya.

"No, i'm saving this" mariin kong sabi.

"Ok then, if you gonna look for me ay nasa music room lang ako" sabi nya at umakyat sa taas.

Sumunod din akong umakyat sa kanya sa taas para ilagay ang mga gamit ko sa closet.

Tahimik lang ako habang pinagma-masdan ang kuwarto nya. Kulay cream ang pader, ang bed coverings nya ay kulay gray at kulay brown ang floor.

May isang walk-in closet at may dalawang side ito na parang pinasadya.

Pagkatapos ko ay pumunta ako sa kabilang room kung saan nasaan ang music and study room.

Naabutan ko syang naka-upo habang tumutugtog nang electric guitar.

"Hi again, Wife. What do you want?" tanong nya at huminto.

"Wala. I'm just bored kaya i'm gonna stay here and entertain me" sagot ko ay hinila ang isang chair na pang-office.

Naka-ngiti syang tumango at itinabi ang electric guitar nya dahil yung acoustic daw yung gagamitin.

Make Her Fall Inlove (South Series #4) (Completed)Where stories live. Discover now