Chapter 28

124 7 0
                                    

Maaga akong gumising para magpa-check up ngayon at maglibot sa mall.

Isang mini-dress at flats lang ng sinuot ko dahil baka maipit ang baby namin ni Drace kung mag-jeans ako or pants.

Nag-paalam na din ako kay Mommy na mag-isa lang akong magpapa-check up dahil may pupuntahan pa ako.

Kaya ko pa namang mag-drive kahit buntis ako and thankfully ay hindi pa sya ganun kahalata.

Dumiretso ako sa isang clinic at nagpa-check up.

Nalaman ko na 2 weeks pa lang pala si Baby kaya super liit pa nya and wala pang makikitang heartbeat or something.

Binigyan lang ako ni Doctora ng vitamins and pinayuhan na mag-switch ako ng milk na for pregnant.

After kong magpa-check up ay dumiretso ako sa mall at kumain ng burger dahil doon ako nag-crave ngayon.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa pharmacy para bilhin ang gatas na pinapabili ni Doctora.

Diretso ako sa counter at pinakita ang name ng gatas, agad iyong hinanap ng pharmacist at sinabi ang presyo.

Bumili ako ng dalawang lata at binayaran iyon bago lumabas ng pharmacy.

Naisipan kong dumiretso muna sa ice crean shop dahil sa na-miss kong kumain ng mint-choco ice cream.

Dumiretso ako sa ice cream shop pero sa pagmamadali ko ay may nakabungguan ako na bata.

"Omg! I'm so sor- Sandy? Noah?" tanong ko at tignan sila.

"Tita Momma!" masiglang bati ni Noah at niyakap ang mga hita ko.

Lumuhod ako at niyakap sya.

"Sinong kasama mo, Zy? At ano 'yang binili mo?" tanong ni Sandy kaya agad akong napatayo.

"Can i share something to you? And please 'wag mo sanang babanggitin ito kay Drace, if ok lang?" sabi ko at agad naman syang tumango.

Sinabihan nya muna ako na pumasok muna kami sa ice cream shop at doon ko ikwento sa kanya.

Nag-order muna ako ng ice cream for them kasama ang ice cream ko.

Umupo muna kami sa table at nagsimulang i-kwento kay Sandy ang nangyari.

"I'm pregnant, Sandy. 2 weeks. Please, don't tell this to Drace" sabi ko at hinawakan ang kamay nya.

"You're secret is safe with me, Zy." sagot nya at kumindat.

"Do you mind if i ask something again?" tanong ko at agad naman syang tumango.

"Anak ba ni Drace si Noah?" tanong ko at tumingin sa kanya.

Shit! I'm so nervous.

"Zy, are you kidding? Of course, No! Drace is my cousin. Pinalayas kasi kami ng totoong Daddy ni Noah dahil akala nya ay niloko ko sya kasi tinago ko si Noah sa kanya. Niloloko nya ako kaya tinago ko si Noah, kay Drace kami tumira ngayon dahil hindi nya alam na nasa pilipinas kami ngayon" sagot nya at hinawakan ang kamay ko.

"Zyrill, i'm so sorry if we get the attention that Drace should give to you" dugtong nya pa.

"No, it's ok. I know the truth now kaya hindi ko na itutuloy ang annulment and wag mong sabihin sa kanya lahat ng nalaman mo about sa akin dahil gusto ko syang surpresahin" sabi ko at ngumiti.

"Oo naman, Zy. Anyways, welcome to the family. Tita Master wants to meet you daw" sagot nya kaya agad akong napatulala sa ice cream ko na medyo tunaw na.

Make Her Fall Inlove (South Series #4) (Completed)Where stories live. Discover now