Chapter 11

139 7 0
                                    

That night ay umuwi din si Sandy pero mukhang umiyak sya at sobrang tamlay ng itsura.

"What happened?" tanong ko at pina-upo sya sa sofa.

Tulog na si Drace at si Noah sa taas pero ako na lang ang gising dahil nga wala pa si Sandy.

"I'm fine, don't worry." sagot nya at ngumiti ng pilit "Tulog na ba si Noah?" tanong nya at hinubad ang sapatos nya.

"He's sleeping with Drace" sagot ko.

Pumunta ako ng kusina at ipinagtimpla sya ng tea.

Bumalik ulit ako sa sala at inabot sa kanya ang tea.

"Here. Inumin mo while telling me why you look sad" sabi ko at umupo sa kabilang sofa.

Nakangiti nyang tinanggap ang baso na may tsaa.

Humigop muna sya at nagsimulang mag-kwento.

"My boyfriend... He's breaking up with me dahil hindi nya tanggap si Noah" sabi nya at parang naiiyak na sya.

"Bakit? Diba anak ni Drace si Noah?" tanong ko.

Hindi sya sumagot. Humigop sya ng tsaa sa baso at bumalik ulit sa pagku-kwento.

Nang matapos syang magkuwento ay agad syang dumiretso sa kwarto.

There's one question na hindi nya nasagot, yung unang tanong ko. Does Drace get Sandy pregnant? Kaya ba Daddy ang tawag ni Noah kay Drace dahil totoong tatay nya ito?

Shit! Ang daming tanong na namumuo sa utak ko and dapat hindi ako naki-kialam dahil friends lang namin kami ni Drace.

Umakyat na din ako sa taas at naligo. I use cold water para maalis lahat ng iniisip ko sa sobrang lamig na tubig.

After kong maligo ay nagbihis ako at humiga sa tabi ni Drace.

'Did you really impregnate someone before you forced me to marry you?' tanong ko kay Drace sa isipan ko habang hinahaplos ang buhok nya.

--

Nagising na lang ako sa paghalik ni Drace sa mukha ko.

"Good morning, sunshine" bati nya pagkamulat ng mata ko.

"Good morning" pabalik kong bati at agad bumangon.

Dumiretso ako sa banyo at sumunod din si Drace.

Habang naghihilamos ako ay may maiinit na braso yumakap sa tyan ko.

"Drace!" saway ko pero hindi nya ako pinakimggan bagkus ay isinandal nya pa ang ulo nya sa balikat ko.

"'Wag ka malikot, inaantok pa ako ehh tsaka ang sarap mo kasi yakapin ehh" sabi nya at biglang ginalaw ang braso nya.

Nagulat ako ng biglang naglakbay ang kamay nya papunta sa dibdib ko.

"Drace!!!" sigaw ko at agad inalis kaagad ang kamay nya.

"Is that your boobs? Sorry! Akala ko stress ball ehh" sabi nya at mahinang tumawa.

"Batuhin kaya kita ng stress ball!" sarkastikong sagot ko.

"Kung yung stress ball na nahawakan ko kanina, sure!" sabi nya at ngumiti.

"Layuan mo nga ako! Ang aga-aga 'yang green fever mo ikinakalat mo" sabi ko at kinuha ang tuwalya.

Lumabas ako ng cr habang pinupunasan ang basang mukha ko.

"Baba na ako ha? Sunod ka na lang" sabi nya at hinalikan ako bago bumaba.

Isinabit ko muna ang towel na ginamit ko bago bumaba.

Make Her Fall Inlove (South Series #4) (Completed)Where stories live. Discover now