Chapter 25

141 6 0
                                    

Mahigit 5 hours lang ang tinulog ko dahil sa gusto kong umalis ng maaga at umuwi ngayon nang hindi ako nakikita ni Drace.

Hindi na akong nag-abalang maligo pero pinalitan ko na lang ang damit ko.

Mabilis ang kilos ko habang binababa ang maleta at mga paperbag na may bags and heels ko excluded yung mga regalo ni Drace.

Nagsulat ako ng note para magpaalam at magpasalamat.

Drace, i know i've been harsh to you but i really thankful that i met you. Thank you for marrying me and sorry sa mga kabaliwan ko. I do love you pero hindi ko lang maipakita dahil hindi ako kasing-lakas mo pagdating sa pag-amin. I will not take the gifts you gave to me dahil pera mo 'yun at wala na akong karapatan doon. Thank you sa lahat, Drace! Mahal kita. Until we met again- Zyrill Jane Ayala

P.s. i will still use your surname until the annulment is done

Idinikit ko yun sa pader na malapit sa kanya para madali nyang makita, isinama ko na din ang susi ng dalawang kotse na ibinigay nya sa akin.

Bumaba na ako at hinila ang mga malaking luggage ko palabas ng penthouse.

Ang luma kong pick-up ang ginamit ko pauwi dahil ito na lang ang kotse ko dahil nga napagdesisyunan kong isauli talaga 'yon para mabawasan ang memories ko kay Drace.

Pina-andar ko na ang pick-up ko palabas ng village.

I'm so excited na umuwi sa bahay dahil sa na-miss ko ang mga luto ni Mommy, sermon ni Daddy sa umaga at ang pakikipag-asaran ko kay Zane.

Wala pang 6:00 am kaya hindi pa traffic at mabilis lang akong naka-uwi sa bahay.

Agad akong sinalubong nila Manang na nagka-kape pa.

"Good morning, Manang!" bati ko nang makapasok ako sa kitchen.

"Good morning din! Ang aga mo yata ngayon, may nangyari ba?" tanong nya habang humihigop ng kape.

"Actually, kakabalik ko lang po from my friend's house and dala ko na po lahat ng gamit ko na pina-akyat ko kay ate Che" sagot ko at umupo sa dining chair.

Agad akong binigyan ni Manang ng kape at pancakes para daw sa almusal.

Manang Julie really knows my favorite breakfast.

I really enjoyed the black coffee and the pancakes before i go to my room.

Natulog ulit ako dahil medyo bitin din ako sa tulog.

--

Isang mabigat ang gumising sa akin at alam ko na kaagad kung sino 'yon.

Si Zane na bruha.

"Umuwi ka na? Anong nangyare sa inyo ni Drace?" pabulong nyang tanong habang dinadaganan ako.

Tinulak ko sya paalis sa tabi ko at umupo.

"I'm filling for annulment, Zane. Mukha kasi akong tanga na iniisip kung sino si Sandy at Noah sa buhay ni Drace" sagot ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.

Agad syang napa-tingin sa akin ng gulat na gulat.

"Gago! Bakit ka nag-file?! Ikaw ang mas legal dahil ikaw ang pinakasalan" sabi niya at inalog ang balikat ko.

"Kahit ako ang legal eh, baka anak nya nga si Noah at mas lalong wala akong laban doon" sagot ko at mapaklang tumawa.

"I do love him, Zane. Pero nagmu-mukha akong tanga kapag pumupunta kami ng mall dahil mukha silang pamilya samantalang ako 'tong pinakasalan" sabi ko at pinunasan ang tumulong luha mula sa mata ko.

Make Her Fall Inlove (South Series #4) (Completed)Where stories live. Discover now