Chapter 30

166 9 0
                                    

Isang linggo na ang nagdaan simula ng umuwi ako ng Philippines galing New York, ayaw pa nga akong pauwiin ni Mommy Andra eh kaso napaliwanag ko na sa kanya ang plano ko.

Pupuntahan ko si Drace at doon sya aasarin bago sabihing hindi ko na itutuloy ang annulment pero hindi ko pa sasabihing buntis ako, papaiyakin ko muna sya ng matindi kung kaya ko.

Bago ko ginawa ang plano ay tinawagan ko si Sandy para itanong sa kanya kung nasa penthouse ba si Drace.

Kanina pa ako naka-bihis at ready ng umalis dahil sa sobrang excitement ko.

Nang sinagot ni Sandy ang tawag ay agad akong nakahinga ng maluwag.

[Zy, he's not in his penthouse. Wala na kami sa penthouse nya at mukhang nandoon yata sya sa condo nya]

Shit! Iyong lugar kung saan nya ako dinala ng malasing ako at pagkatapos naming ikasal sa bar.

May sinabi si Sandy kung paano ako makakapasok dahil wala naman akonh susi.

Agad na akong sumakay sa kotse ko at nag-drive papunta sa condo nya, may kalayuan ito pero keri ko naman.

Mahigit 1 hour mula sa penthouse nya ito, eh mahigit 30 minutes ang layo ng village namin sa penthouse nya kaya sa tantiya ko ay aabutin ako ng 1 hour and 30 minutes pero depende pa kung traffic o hindi.

Naalala ko ang location na iyon, malapit sya sa South Ent. at binili nya daw iyon para kung ayaw nyang umuwi sa penthouse nya ay doon sya mag-sstay.

10:15 am ako nakarating sa condo nya, mabuti na lang ay agad na naniwala ang receptionist at guard sa akin.

Pagkapasok ko ay tumambad sa akin ang makalat na lugar, puro bote ng mga alak ang nandito at mga balot ng chips.

Agad akong umakyat sa second floor at pumasok sa unang kwarto, ito 'yung kwarto kung saan ako nagising ng naka-underwears lang.

Dahan-dahan lang ang galaw ko dahil baka magising si Drace.

Makalat at madilim kaya balak kong linisin ang kwarto at isusunod ko ang baba mamaya.

Binaba ko muna ang bag ko at agad binuksan ang kurtina kaya agad pumasok ang liwanag.

"Close the fucking curtains, i'm still sleeping!!!" angil nito at tinakpan ang mukha nya gamit ang kanyang matitipunong braso.

Tinalon ko sya sa kama at tinapik sa pisngi.

"Don't you dare use the f-word on me, Drace Carter!" sigaw ko kaya agad nagmulat ang mata nya.

Damn! I miss his eyes.

"Zy?" naguguluhang tanong nya at bumangon.

"Ako nga, why?" pabalik kong tanong at minalditahan sya.

Agad nya akong niyakap at sinubsob ang kanyang mukha sya aking leeg.

"I really miss you, My wife. I don't care if this is a dream or hallucination" sabi niya at hinigpitan ang yakap.

Inalis ko ang pagkakayakap nya sa akin at tinignan sya sa mga mata ng diretso.

"Drace, you're not dreaming" sabi ko at hinawakan ang pisngi niya.

Nagulat ako ng bigla nyang sampalin ang sarili niya.

Agad nya ulit akong niyakap ng mahigpit at hinalik-halikan ang pisngi ko.

"Finally! Not a dream anymore, how did you find me, My Zy?" tanong nya habang nakasubsob ang kanyang mukha sa aking leeg.

It's time to let Drace cry.

Make Her Fall Inlove (South Series #4) (Completed)Where stories live. Discover now