KABANATA 5

179 5 4
                                    

Lumipas na ang tatlong araw na kinukulong ko lang ang sarili rito sa loob ng bahay ko. Nailabas na rin sa media na nakaleave lang daw ako sa showbiz. Kaya mas nagtaka sila sa chismis na ako nga raw ang buntis dahil sa litratong nailabas. Unang tingin ko pa lang sa picture na nailabas ay kilala ko na kung sino iyon.

Mag best friend nga talaga 'yung dalawa at hindi ko aakalaing mabubuntis siya. Nakawork ko na rin siya at aminado akong mabait 'yung si girl kaya hinayaan ko na lang ang ibang tao na ako ang alam nila.

Dahil nga kagabi lang din pinakita iyong picture ay number 1 trending pa rin ako. Ang hash tag pa nila ay '#LetAciellinRestInPeace,' ano namang kinalaman ng rest in peace 'di ba? Parang pinapatay na nila 'ko, jusko.

Inilapag ko ang phone ko at pinanood ko ang CCTV footage kung saan nang iiwan ng mga paborito kong pagkain si Synkio sa mismong pintuan araw araw. Hindi ko rin naman iyon nakakain pero tinatanggap ko pa rin at nilalagay lang sa refrigerator.

Kapag aalis pa siya ay tinitignan niya ang CCTV sa harap ng bahay ko at tatakbo na muli. Creepy nito 'pag 'di ko lang siya kilala. Nagjo-jogging siya araw araw kaya ang alam ko ay nadadaanan niya lang 'yang mga pagkain na binibili niya.

"Pabili naman ako," saad ko kay Arcie sa telepono habang pababa na sa hagdan.

"Ano ba 'yan!" sigaw niya sa kabilang linya. "Malapit na nga ako! Ano ba 'yon?"

Natatawang inilipat ko sa kabilang tenga ang phone ko. "Tapsilog sana," I smirked. Alam kong malayo layo pa ang pagbibilhan lalo na't kanina niya pa sinabing on the way na raw siya.

"P'wede ba? Huwag mo 'kong pinagloloko! Sagot mo ba gas ko?! Wala pa 'kong tulog!" malakas na sabi niya bago ibinaba ang tawag.

Natatawang dumiretso ako sa kusina at ipinatong ang phone sa mesa. Binuksan ko ang tupperware na may laman na tapsilog, pinaluto ko 'to kay Minha kaninang madaling araw nang bumisita siya kaya inilipat ko sa plato. Naglagay na rin ako ng iba pang plato sa lamesa kahit ako lang ang kakain.

Patapos na akong kumain nang tignan ko ang orasan. Sinubo ko ang huling pagkain na natira at nakangiting inayos ang pinagkainan ko. "Hay nako," tumatawang saad ko habang umiiling.

Pagkatapos kong naghugas ay lumabas ako ng bahay. Ngayon lang ako maaarawan simula nang mangyari iyon. Hay.

Nakaupo lamang ako rito sa garden sa harap ng bahay habang hinihintay ang uto uto kong kaibigan. Simula pa lang alam kong susundin niya na ang sinasabi ko. Nakadekwatrong kinakawayan ko pa ang mga taong dumadaan na nagtataka ang tingin. Ano kayo ngayon? Ang iba pa ay nagbabike na ngumingiti sa akin. Alam siguro nila na naiinggit ako sa kanila!

"Sana madapa ka," nakangusong sabi ko sa lalaking nag middle finger sa'kin.

Napakagat ako sa labi nang madapa nga ang lalaki. I swear I didn't mean it!

"Ano ba 'to? Grass?" kunwaring tanong ko sa sarili at hinugot iyon. Habang nakayuko pa ay sumulyap ako sa lalaki at may tumutulong na sa kanya. Napatayo ako nang nakita kong si Synkio pa talaga ang taong iyon!

Masama ko silang tinitigan bago makadaan. Si Kio naman ay palapit na sa akin. Ah, fuck him!

"What are you saying?" napataas ang kilay niya. "Good morning," malawak ang ngiting bati niya.

I examined his entire workoutfit. With what he's pose ay halata mo talagang gay siya, dagdag pa dahil nakasandong pink at black shorts na mas maikli pa sa suot ko ngayon. But I think he's just confused or I'm just expecting too much? And ganiyan din naman suot ng ibang lalaki without malice.

I grinned as I looked at his damp top, which revealed his abs. I gazed at him, biting my lower lip. Gusto ko siyang lokohin ngayon. I waited for someone to pass habang nagsasalita lang siya kahit hindi naman ako nakikinig. Before lifting his top, he slapped my hand.

In the Night SkyWhere stories live. Discover now