KABANATA 23

56 3 0
                                    

Kanina pa 'ko nandito sa AUP building para lang samahan si Tiana sa rehearsal niya sa pag acting. Pinapanood ko siyang umiiyak na ngayon ay lumuhod pa.

"Galing," namamanghang bulong ko. Namayani ang tunog ng palakpak ng babaeng nanonood din sa kaniya na mukhang siya ang nagtuturo kay Tiana. I recognize her, but I'm not sure where I last saw her. Nakakatakot nga ang mukha niya dahil isang ingay mo lang ay pinapalayas ka na gaya ng mga taong napaalis na. Ayaw niyang madistract si Tiana sa ginagawa.

"Thank you po," rinig kong sabi ni Tiana kaya napatayo na 'ko sa pagkaka-indian sit. Hinarap naman ako ngayon ni Tiana kaya inabot ko na rin ang inuman niya. "Tita, si Aciellin girl—," inilahad ko ang kamay sa kausap niya kahit hindi pa siya tapos magsalita. Ipapakilala niya na naman akong girlfriend. Basta magkasama kami ay pinapakilala niya 'ko sa kilala niya rin, ang malala pa r'on ay halos lahat ng nakakasalubong namin ay kilala niya!

"I'm glad you're back together," she answered immediately when Tiana couldn't finish what she was going to say.

"PA po ako ni Tiana for today," nahihiyang saad ko. Tinawagan niya lang naman kasi talaga ako kaninang umaga para gawin daw akong alipin. Narinig kong tumawa 'yung kausap namin kaya pilit akong ngumiti. Si Tiana naman ay ibinalik na sa'kin ang inumin niya kaya inilagay ko 'yon sa tote bag na bitbit ko. Nagpaalam na rin naman siya kaya pababa na rin kami ng isang floor para makakain sa cafeteria. "Hawakan mo rin 'to, Tiana!" reklamo ko sa bag niyang hawak ko rin habang siya ay prenteng naglalakad na walang bitbit.

"Hey! Don't shout!" Sigaw niya rin naman sa'kin.

"Mas mapapaniwala sila na isa mo akong alipin kaysa girlfriend," nauna na 'kong maglakad at ibinato ang isa niyang bag na mas magaan.

"What if I just throw your helmets or bags too?!" sumusunod na siya ngayon sa'kin at hinahabol ang yapak ko.

"Excuse me? At bakit mo naman 'yun gagawin?" gulat kong tanong.

"Chin."

Napatigil naman ako nang marinig kong tinawag niya 'ko. "Bilis mong maglakad!" reklamo niya muli. Hinayaan ko siya at pumasok na agad sa elevator. Hinayaan kong sumara 'yon habang hinahabol niya.

"Hinayaan mo pang habulin ko!" singhal niya. Natatawa ko namang kinuha muli ang binato kong bag kanina sa kaniya.

"Hello? I asked you if you'll say yes sa new project na sinasabi ni direk kanina," inakbayan niya pa 'ko. Parehas din kaming matangkad ni Tiana.

"Mabigat na nga mga gamit mo, bigat pa niyan," tinanggal ko tuloy ang kamay niya.

"Alam mo if you'll say yes d'on..."

"Ano na naman?" irap ko. Director pala 'yung kausap namin kaya pala familiar sa'kin, gosh!

"Maraming maniniwala sa'tin," she whispered in my ear.

"Marami naman na naniniwala ngayong hindi pa tayo nag oo diyan sa project. Hindi natin kailangan 'yan, Tiana. Duh," napairap muli ako sa kaniya.

"Nugagawen," ngiwi niya. Nauna pa siyang lumabas sa elevator.

Kumakain na kami ni Tiana habang maraming kilalang tao rin ang nasa paligid namin. Siya lang naman din ang bumabati sa mga tumitigil sa lamesa namin dahil wala 'kong time magsayang ng oras. Practically everyone we encounter is her friend, I can't really blame her wasting her time. Hindi ko kayang makipagplastikan sa mga 'to!

"Subuan mo 'ko, dali!" sinipa pa 'ko ni Tiana matapos mahinang inutos 'yon. Imbes na isusubo ko ang nasa tinidor ko, isinubo ko iyon sa bunganga niya nang biglaan. Gulat pa nga ang naging reaksyon niya kaya naitikom ko ang bibig upang hindi matawa. "You're so mean, Chin!" pinagkrus niya pa ang braso sa dibdib.

In the Night SkyWhere stories live. Discover now