KABANATA 13

68 5 0
                                    

Natapos din ang ibang scenes na shinoot at nandito lang ako sa tent ko. Dapat ay kanina pa ako aalis dahil tapos na rin naman ang shoot ko for today and I have to attend pa after din sa fashion show kasi narinig ko lang naman na nandoon si Aina.

"What?" I asked Minha while scrolling to my phone. Nakaupo lang ako rito habang siya ay nakatutok sa'kin.

"Galit ka pa ba?" pinaliitan pa niya 'ko ng mga mata. "Hayaan mo na si Kio at pagsasabihan ko iyon mamaya."

"Hindi ko mahihintay ang mamaya mo."

"Goodness gracious!"

"Look who's here," Kio said as he walked in.

"Look who's here," I said, repeating what he had said. "Someone broke into my tent and had the audacity to say those words."

May kinuha pa siya sa bulsa niya habang nakatayo sa harap ko. "Oh," he said as he handed me a coin.

"Ano 'to?" I asked, holding a coin placed in my palm. Ibabalik ko na sana sa kanya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Find someone to talk to," he said and used his palm to cover my palm for the coin he gave me.

Tumayo na 'ko para humarap sa kanya. "Tara na," utos ko at lumabas na.

"Saan tayo pupunta?" mas nauuna siyang maglakad kaysa sa akin kahit ako ang naunang lumabas.

"Date," tipid kong sagot. Huminto ako para hintayin sila Minha. "Mauna ka na," utos ko kay Kio nang huminto rin siya.

"Ayaw ko nga," tumatawang sabi niya.

"Oh?" tanong ni Minha.

"Ang tagal niyo namang maglakad atsaka wala ka namang ginawa sa kanya," inilagay ko ang kamay ko sa braso niya kahit may bitbit siyang gamit at tinutukoy si Kio.

"Ikaw na 'to," bigay niya sa'kin sa ibang gamit na agad ko rin namang kinuha. "Kasama ko si Yuna kaya puwede bang sumabay ka na lang kay Synkio?"

"Bakit naman ayaw mo 'kong sumakay sa sasakyan ko?" tinaas ko ang isang kilay habang naglalakad kami patungo sa parking.

"Alam ko naman na aawayin mo na naman si Yuna, Chin."

"What? Me?!" hindi makapaniwalang tanong ko, tinuturo pa ang sarili.

"True!" turo rin ni Kio sa'kin na hindi namin pinansin.

"Gusto kong makita si bebe kong Yuna," nagmamakaawang sabi ko. Matagal na rin kaming hindi nagkita dahil hindi dinadala ni Minha sa trabaho ang anak niya.

"Tigil tigilan mo 'ko," humiwalay na siya sa'kin at dumiretso na sa sasakyan ko. Binitawan ko na rin ang gamit na buhat ko dahil kinukuha ng isang staff para ilagay sa likod. Nagulat pa nga 'ko dahil hindi ko kilala ang staffs ko!

"Bebe kwo!" dahan dahan ko siyang inagaw kay Minha para buhatin. "Hmn, sarap kagatin," kinurot ko ang pisngi niya dahil sa gigil.

"Huwag mong diinan, Chin!" Minha tsked.

"Halika kay ate Kio!" pumalakpak pa si Kio bago inagaw sa'kin agad si Yuna.

Bahagyang kinurot ko si Kio sa braso. "Mama," turo ni Yuna kay Minha nang nakangiti.

"Oo, pangit siya," tumango ako at hinalikan halikan ang pisngi niya. Nilalayo ni Yuna ang mukha ko gamit ang maliliit niyang kamay. "Don't do that to ate if ayaw mong maging zombie ako," pananakot ko sa kanya.

In the Night SkyWhere stories live. Discover now