KABANATA 24

47 4 0
                                    

"Uhm," nahihiyang iniwas ko na rin ang tingin matapos niyang sabihin iyon. Wala akong masabi dahil alam ng sarili ko na totoo 'yung pinagsabi niya kanina. I can't even deny!

"I know!" Tiana rolled her eyes when she noticed me feeling my chest because my heartbeat was racing. "Calm down!" sigaw niya pa.

"I-I am s-sorry," mahinang sabi ko na iniiwasan pa rin ang tingin niya. Malalim na buntong hininga ang nagawa ko bago muling magsalita. "I want to apologize because my actions ruined your name and relationship with your family at the time. I admit that I was wrong, I left you alone even though I knew you weren't okay."

"Oh! Alam mo pala?" gulat na tanong niya habang masama rin ang tingin sa bintana. Tumango lamang ako bilang sagot. 

We were engulfed in silence inside her car, so I turned to look at his driver also, may kausap siya sa phone niya. "I was very angry with you before kasi you know my family and I are not okay, and I told you not to leave me, Chin. Why? Alam mo rin ba kung bakit?" napatingin na siya sa akin ngayon.

"I'm the only one you can.. Uhm," napalunok ako dahil ayaw kong sabihin ang lagi niyang binabanggit na linya nung kami pa. 

"Ano? Say it."

"You can hold on to," bumaba ang tingin ko matapos sabihin iyon.

"But what did you do? You left me too. Tsk," umiiling na saad niya.

"I'm sorry for making you feel this way, Tiana." Akala ko mas gagaan ang loob niya sa oras na 'yun pero mas lalo ko lang pala siya nasaktan. Ang laki kong problema noon sa kaniya at hiyang hiya na ako kaya nagawa ko ang desisyon na 'yon.

"You really made me feel that way back then, and I never heard you apologize. Hays, you really left me hanging."

"I'm sorry," nahihiyang sabi ko. I felt terrible and guilty about what I did. Simula pa naman nung naghiwalay na kami ni Kevin, Tiana became even more targeted by bashers. Kahit na we hadn't admitted our relationship back then, bashers were already frustrated with Tiana. Galit na galit sila kahit wala namang ginagawa si Tiana sa kanila. 

"Tiana," napabalikwas ako sa aking kinauupuan nang marinig ang boses ng driver ni Tiana. Nagtataka itong tumingin sa amin. "Umiiyak ba kayo?" tanong niya bigla. Nagtataka ko namang pinunasan ang pisngi ko nang marinig iyon at may luha ngang dumaloy. Ibang iba ang samahan na nabuo namin ni Tiana noon dahil naging matalik kaming kaibigan bago naging magka-ibigan.

"You're crying? Bakit?" napatingin agad sa akin si Tiana. Tinakpan ko tuloy ang mukha dahil nakakahiya kay manong. "Gosh! You're really crying? I'm okay, ano ba! That's past." Hindi ko alam kung anong nakakatawa dahil lumabas siya ng kotse na tumatawa at kinausap na si manong.

I looked at Tiana, mukha siyang masaya that we were finally inside the mall. Ang daming tao rin ang nakatingin sa amin. It's a good thing no one has attempted to take a picture pa dahil ayoko pero knowing Tiana, I dont have a choice. Naglalakad lang din naman kami habang magkahawak ang kamay kahit mas nauuna siya. I can now see that she is wearing a short white backless dress and white heels, whereas I am wearing a white shirt tucked into my pants plus I'm wearing white fern flat slippers. Nakakahiya namang tumabi sa kaniya!

Bitbit ko ang ibang mga pinamili namin habang si Tiana ay nagmakaawa pa sa manager niya na pumuntang mall para lang may magbitbit ng paper bags. "Alis na 'ko, ha," pagpaalam ko muli. Buti na lang nag enjoy din ako magshopping. Eto lang yata ang deserve ko today.

"Tigilan mo nga 'ko," ilang beses na ganiyan ang sagot niya basta nababanggit ko iyon.

"Nandiyan na rin naman manager mo later," sambit ko, 'yun lang din naman ang dahilan kaya sinamahan ko siya ngayong araw.

In the Night SkyWhere stories live. Discover now