KABANATA 9

123 3 0
                                    

"Tired?" Kio asked, kararating niya lang at may dala-dala pa. Tumango lang ako sa kanya dahil tinatamad akong magsalita. "Tapos may balak ka pa na bumalik next week sa trabaho?"

"Gusto kong may magawa para wala 'kong maisip," I replied. "At wala na 'kong pera."

Gusto ko tuloy matulog na dahil alam kong anytime iiwan na naman ako ni Synkio mag isa rito dahil busy siya.

"Are you kidding me, Aciellin?" nagdadabog pa siya bago makaupo sa tabi ko. Inilabas niya pa ang phone sa bulsa niya. "Kaya mo pa ba?"

Nagtataka ko siyang sinusungitan dahil binubuksan niya na rin ang paper bag na dala. "Kakayanin, matutulog na 'ko," tinutulak ko siya palayo dahil may kausap na agad siya sa telepono.

"Okay," sagot niya bago nilabas ang fries and soda. Nakaipit pa sa tenga at balikat ang phone niya.

"Ano 'yan? Bawal ako sa mga ganiyan ngayon, palibhasa lagi kang wala," inis na inis na saad ko sa mahinang boses.

"May inasikaso lang naman kaya nawawala atsaka hindi naman para sa'yo 'to, feeler ka beh," kibit balikat na sagot niya habang kumuha.

"Wash your hands," bulong ko bago tuluyang pinikit ang mata.

"I have something for you, babe!" masayang banggit niya kaya napadilat ako agad.

Hinintay kong ibaba niya muna ang tawag dahil binanggit niya ang endearment na ginagamit niya sa'kin. Tungkol pa naman 'to panigurado sa trabaho na naman!

Binuksan niya muli ang paper bag na dala niya at kinuha ang isang parang pinitas na bulaklak. "Oh," inabot niya sa'kin nang seryoso ang mukha.

Tinatago ko ang ngiti nang tinanggap iyon, "walang anuman," pilosopong sabi ko. Inamoy ko pa 'yun before I put the flower he gave on the jar.

"Napulot ko lang 'yan," malamig niyang tugon.

I grabbed a pillow and threw it at Kio, na sayang saya sa pagkain ngayon. I smirked when he was hit right in the face.

"What?" ngumunguyang tanong niya. "We will not change the date of the meeting because I already have so much in my schedules, and I hope you understand." He said over the phone.

"Matulog ka na, susunod ako," malumanay pa na sabi niya sa akin.

"Lape lapak! Sleep there on the sofa!" I yelled.

He simply raised his hands and signaled that he didn't want to talk to me right now before continuing his snacks and conversation.

Nagugutom pa naman ako but he didn't even offer his foods even though hindi ko rin naman kakainin.

Natulog na lang tuloy ako because I was so tired kahit wala naman akong masyadong ginawa. Mas napapagod pa 'ko dito sa hospital lang kaysa mag inarte sa showbiz ng mga sandamakmak na projects for me. Gugustuhin kong mapagod sa gusto kong gawain at hindi 'tong humiga sa hospital bed na 'to.

Kio kept moving next to me, sa inis ko ay nagising tuloy akong inaantok pa rin. Kahit nakatalikod ako ay siniko ko siya. "Will you marry me, babe?" he asked, hugging me.

"Huh?" I mumbled to myself before falling back asleep again.

"Morning," gising ko kay Kio na nasa tabi ko. I took his hand in mine and slipped it into his. While still holding his hands, I raised our hands and examined what was on my finger. "A-A ring?" nagtataka kong tanong, "on my fourth finger in my left hand?" naguguluhan ay nabitawan ko ang kamay ni Kio.

In the Night SkyWhere stories live. Discover now