Chapter 35: Finale & GOOD NEWS

30.6K 390 104
                                    

Dedicated ito sa lahat ng:

*KathNiel, ElRick, MiGi, JaBi fans na walang sawang sumusuporta sa aking natatanging at nakakakilig na OTP (One True Pairing). 

*mga nagbasa, nagbabasa, at magbabasa ng mga libro ko na pinagpaguran kong isulat.

*walang sawang naghintay sa mga updates ko.

*mga kumausap at mga naging kaibigan ko dito.

*patuloy akong susuportahan.

Hihi. I love you all guys! :D Maraming salamat sainyo! 

Read the good news sa end ng update ko.

Enjoy :3

-------------------------------------------------------------

Lumipas ang araw..

buwan..

taon..

at ito..

lahat ng mga taong naging parte ng buhay ko ay may sarili na ding buhay.. at pamilya..

Si Andrea, ang bestfriend ko. Ang super bestfriend ko, na kahit nagsinungaling ako, ay hindi pa din ako iniwan. Sa lahat ng pinagdaanan ko lagi siyang nanjan.

Isa sa mga natutunan ko, okay lang kahit konti lang ang kaibigan ko, basta sigurado ako na lahat ay totoo at hindi ako huhusgahan base sa kasalanang nagawa ko.

At alam naman nating si Jason nga ang nakatuluyan at pinakasalan nitong lukaret at bruha kong bestfriend. Si Jason, siya yung una kong nakilala nung dinala ako ni Gino sa America. Di ko yun makakalimutan, dahil sabi niya uuwi pa siya ng Pilipinas para makahanap ng chicks.

Pero tignan mo nga naman, sa sadista ko pang bestfriend siya tumiklop. Hay.. ang love nga naman.

Si Kiko, ang kambal ko na hindi ko naman talaga kambal. (Ang gulo no?) Natutunan ko siyang mahalin ng parang isang tunay na kapatid at siya din naman sakin. Kahit minsan, lagi na lang niya akong iniintindi. Siya, ay ung lalaking naging una kong naging kaibigan.

Siya lang ang nakakaintindi, kung gaano ako kabaliw, kahit hindi kami masyado nagkikita o naguusap, siya parin yung mananatili sa tabi ko kahit ano pang mangyari.

OURS [Hala Ka!? Book 2]Where stories live. Discover now