Chapter 19: Agreement

34.3K 314 50
                                    

Dedicated to: keepcalmbabhiiee

galit na galit si ate. joke! Hahahahaha! I feel your pain guys. I feel it. :<  Pasensya kung maikli lang! Bukas ulit try ko mag-update! :D

Enjoy :3

------------------------------------------------------------

Mikay's POV

Maaga ako ngayon nagising kasi gusto ko abutan si Gino. Pano, lagi na lang siyang sobrang aga. Laging paggising ko, nasa trabaho na daw siya sabi ni Yaya. Kaya ngayon, nauna ako gumising sakanya.

"Babe. Gising na." bulong ko sabay yugyog kay Gino.

"Babe. SLAVE." bulong ko.

"Hmm? Boss Bave? Good Morning." sagot niya ng nakangiti pero nakapikit pa din.

"Good Morning. Gising na. May pasok ka pa diba?" paalala ko sakanya. Umupo naman agad siya at niyakap ako.

"Hay. Kung pwedeng wag na eh...." bulong niya sabay halik sa buhok ko.

"Heh. Bilisan mo na at nakapagluto na ko dun." tumayo na sya at inalalayan akong tumayo.

"Yes MY Boss." kiniss niya muna ko bago pumasok ng cr.

Bumaba na ko para asikasuhin naman ang boss ko.

Sino pa ba? Edi si Mikki.

"Good Morning Mommy ko! Gising na ba Daddy ko?" masayang bati sakin ni Mikki.

Ganyan talaga tawag niya samin. Mejo selosa kasi.. gusto niya she owns our attention kaya nga di ko pa masabi na may kapatid na siya eh. Pero syempre, kailangan nyang malaman.

OURS [Hala Ka!? Book 2]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant