Chapter 2: Tampo

45.2K 509 40
                                    

Chapter 2! Hihihi. Read on! VOTE AND COMMENT. Will be appreciated. :D


Enjoy :3

-----------------------------------



"Wag ka munang magalit.. ako sana'y pakinggan.. hindi ko balak ang ika'y saktan.."

Mikay's POV

Simula nung kagabi, hindi ko muna pinapansin si Gino. Nagtatampo ako.. kahit na kagabi eh dapat bibigay na ko. Buti nga nakatulog ako agad eh. O? Baka isipin nyo na ang mean ko ha. Dapat lang sakanya yun. Sa lahat-lahat ng pwede niyang gawin, eh sana wag na lang syang mangako kung mapapako lang.

Hanggang ngayon, mailap pa din ako. Ayoko muna siyang pansinin. Gusto kong maramdaman nya na nagtatampo ako sa ginawa nya. Hmp! Bahala sya!

"Mommy! Come on! Let's eat with Daddy!" sabi ni Mikki sabay hila pa sakin.

"Later baby,," sabi ko sabay takip ng ulo ko gamit ung unan.

"Mommy! Minsan na lang si Daddy to eat here tapos you won't eat with us pa?" ok. edi sya na marunong mangonsenya.

"Come on Mommy!" tumayo na ko at hinila na ko ni Mikki sa dining. Naabutan kong nakaupo na si Gino at umiinom ng kape.

"Good Morning Mikki. Good Morning Babe." lumapit sya sakin at ikikiss sana ko sa pisngi pero umupo ako agad.

"Morning." hindi ko talaga nilagyan ng 'Good' dahil wala namang 'Good' sa Morning ko.

"Mommy is so stubborn.." narinig ko pang bulong ni Mikki.

Maya-maya lang nagsimula na kaming kumain. Walang umiimik. Ramdam siguro nila na galit ako.

"Mommy. Daddy said, he won't go to work today.." simula ni Mikki.

"So??" sumimangot si Mikki.

"So.. we'll have to continue the plan yesterday!" uminom ako ng tubig at saka tumayo.

"Sorry baby, I don't feel like it." sagot ko sabay akyat sa kwarto namin.

Umupo ako sa may terrace. Maya-maya narinig kong may tumabi sakin.

"Babe.. Sorry na.." sabi nya habang pinopoke ako sa braso.

"Nakalimutan ko, kasi, masyadong madami akong pinroblema sa opisina kagabi." paliwanag nya.

"Baaabee.." 

''Gino? Ano ba?" hinarap ko sya at tinitigan sya ng direcho sa mata.

"Sorry na.." 

"Oo na nga eh. Ang kulit mo!" tumayo ako at naglakad papasok sa kwarto.

OURS [Hala Ka!? Book 2]Where stories live. Discover now